CHAPTER 21

117 2 0
                                    

"Dito tayo magdedate?"




Nakangiting tumango si Fletcher kay Bea. Inanyaya na niya itong pumasok sa loob.




Bumungad sa kanila ang malakas na tawanan ng mga tao habang may dalawang lalaki ang nasa stage.




Umupo sila sa malapit sa stage at agad naman silang inasikaso ng waitress doon.




"This is really good, esposa" nakangiting turan niya kay Bea na nakatingin sa stage.




Hinawakan niya ang kamay nito at nakangiting pinanood ang pagpeperform ng dalawa.




Napuno ng tawa ang pagpapatawa ng dalawang lalaki. Sa kalagitnaan ng show ay pasimple siyang tumingin kay Bea.




Nawala ang ngiti niya nang makita ang reaksyon nito. Nang tumingin ito sa kanya ay bahagya itong ngumiti kaya wala din siyang nagawa kung hindi ang ngumiti pabalik rito.




Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito kahit na nakatutok ang mata niya sa nagpeperform.




Nang matapos ang show ay hawak niya pa rin ang kamay nito.




"May pupuntahan pa tayong isa" excited na turan niya rito.




Tumango lang ito sa kanya at muling sumakay sa kotse. Nakangiti lang siya habang nagmamaneho habang tahimik naman ito.




"After that, we can eat whatever you want. Sabihin mo lang sa 'kin kung ano ang gusto mong kainin" nakangiting turan niya rito.




Saglit niya itong tinignan at sakto namang nakatingin ito sa kanya bago tumango.




Muli siyang nagpatuloy sa pagmamaneho at ilang minuto lang ay nakarating na sila sa isang museum.




Pinagbuksan niya ito ng pinto nang bumaba siya. Nakatingin ito sa unahan ng museum at hindi niya mabasa ang iniisip nito.

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon