"I just got arrived, mama" bungad ni Fletcher sa ina nang tawagan niya ito.
Kabilin-bilinan kasi nito na kailangan niyang tumawag sa oras na nakarating na siya sa Pilipinas.
"Don't forget to rest, son. Huwag mo ring kakalimutan na kumain sa tamang oras" ani nito sa kabilang linya.
Hindi niya mapigilan ang hindi mapatawa sa pag-aalala nito.
"I will mama. Huwag mo ring kalimutan na kumain lalo na wala na ako d'yan sa palasyo" paalala niya rin rito.
"Oo naman, anak. Basta mag-iingat ka d'yan" muling paalala nito.
"Yes, mama. I'll hang up now."
"Okay. I love you."
"I love you too, mama" sagot niya bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Nagpara lang siya ng taxi at nagpahatid sa Castel Subdivision.
Balak niyang bisitahin muna sina Vianna lalo na at walang alam ang mga ito na uuwi siya.
Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog iyon.
Napangiti siya nang makitang si Bea ang nagmessage sa kanya.
Stop disturbing me, Miles. I'm in the middle of my job.
Bahagya siyang napatawa sa pinadala nitong message.
Nagsimula siyang magtipa. Okay. Take care, esposa.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...