CHAPTER 35

210 2 0
                                    

"Kxd thex!" Hold her!




Muling nagpumilit sa pagkakawala si Bea habang hawak siya ng mga tauhan ng kanyang ina.




"Xya taeatxng chan!" Don't touch me! Sigaw niya sa mga ito habang hinahawakan siya.




Ito na ang araw ng kasal nila ni Divoc at sinubukan niyang tumakas nang sandaling palabasin niya ang mag-aayos sa kanya.




"Don't make it too hard, Beatriz!" may diing turan ng kanyang ina.




Malalalim ang bawat paghinga niya habang tinititigan ng masama ang kanyang ina.




"I don't want to marry that guy! Let me go!" angil niya.




Muli siyang nagkumalawa sa mga tauhan ng ina niya ngunit malalakas ang mga ito.




Natigil lang siya nang maramdaman ang hapdi sa pisngi niya na nagmula sa palad ng kanyang ina.




Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.




"Phuhying ngo!" Stupid woman! Galit na turan ng kanyang ina.




Hinawakan nito ang mga panga niya at pinaharap rito. Ramdam niya pa rin ang hapdi sa pisngi niya.




"You caused too much, Beatriz. Huwag mong intayin na masagad ang pasensiya ko at baka pagkatapos ng kasal mo ay araw din ng kamatayan mo" pagbabanta nito sa kanya.




Pwersa siya nitong binitawan at tumalikod sa kanya. Binitawan rin siya ng mga ito at sumunod sa ina niya.




Napasalampak siya sa sahig at napaluha nalang. Hindi rin kumilos ang mga mag-aayos sa kanya dahil sa kalagayan niya.




Ilang saglit pa ay dumating ang kanyang kapatid.

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon