CHAPTER 28

114 3 0
                                    

Kasama ni Fletcher ang mga kabanda niya at kasalukuyan silang nasa VIP room ng bar ni Krist.




Hinayaan niya si Bea kahapon na makasama ang mga kaibigan nito. May tiwala siya rito at alam niyang hindi ito gagawa ng kahit ano na makakasira sa kanila.




Napatingin sila sa pinto nang may kumatok roon at iniluwan n'yon si Bea kasama sina Red at Cristine.




Nang makalapit ito sa kanya ay mabilis niya itong inakbayan at hinalikan ang tuktok ng ulo nito nang may mapansin siya.




Mabilis na nangunot ang noo niya nang makita ang isang hickey na nasa leeg nito.




"What's that?" nakakunot ang noong tanong niya rito.




Napatingin ito sa kanya maging ang mga kasama nila.




"Huh?" nagtatakang tanong din nito sa kanya.




"That!" nakatiim bagang na turan niya habang itinuturo ang leeg nito kung nasaan ang hickey.




Hinawakan nito iyon at mabilis na kumuha ng salamin sa dala nitong bag.




Lahat ng kasama nila ay tahimik at nakatingin sa kanila.




Nanlaki ang mga mata nito at tila gulat na gulat sa nakita.




"What the hell?! Who did this?!" ani nito habang nakatingin sa kanya.




"Don't look at me because I don't know too. We're not together yesterday, remember?" asik niya.




Alam niyang dama na ng mga ito ang madilim na awra sa kanya lalo na sa paraan ng pagsasalita niya.




"Look, I don't know where I got this" mahinahong turan nito sa kanya.

Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon