Tahimik lang si Bea habang kumakain sa isang restaurant kasama ang kanyang kapatid.
"Mukhang wala ka sa mood. Is the food not to your liking?" tanong nito sa kanya.
Pilit siyang ngumiti rito. "No. I love it."
"Then what's with that face?" muling pagtatanong nito sa kanya.
"What's with my face?" pagmamaang-maangan niya rito.
Nagbuntong hininga ito at sumandal sa inuupuan nito. Pinagkrus din nito ang mga braso nito habang seryosong nakatingin sa kanya.
"You look like someone break up with you" walang putol na sagot nito sa kanya.
Kapwa nanlaki ang mga mata niya at natigil sa paghiwa sa karne na nasa harapan niya.
"So, he did break up with you" saad nito at muling nagbuntong hininga. "That bastard" mahinang dagdag pa nito.
Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nakatingin din ito sa kanya.
"Hindi kami nag-break, Kuya Light. May mga bagay lang kaming hindi nagkakaintindihan. And it's a part of our relationship" depensa niya rito.
Umalis ito sa pagkakasandal at nag-umpisang maghiwa sa sariling karne nito na naiwan.
"Just admit it that he's a jerk" ani nito.
Napakuyom siya dahil sa sinabi nito. "Stop saying that, brother. I'm his girlfriend, so please stop saying bad things behind my boyfriend. Yours and my relationship are far different. He's not like her who ch—"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang pabagsak nitong ibinaba ang kutsilyo sa lamesa dahilan para mapatingin sa kanila ang mga kumakain.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...