Read at your own risk!
****
Kumapit si Bea sa leeg ni Fletcher nang hapitin siya nito palapit pa rito.
Mas lumalim ang halik nito sa kanya at tila ba sa pamamagitan ng halik nito pinaparamdam ang tunay na nararamdaman nito.
"Miles..." mahinang bigkas niya sa pangalan nito nang maghiwalay ang labi nilang dalawa.
Ngumiti ito at mabilis na dinampian ng halik ang labi niya.
"So, are we dating now?" tanong nito sa kanya at saglit siyang natigilan.
Bahala na. Anang ng isang bahagi ng isip niya.
Siya na mismo ang kusang naglapad ng labi niya sa labi nito.
Naramdaman niya ang pagngiti nito bago mas pinalalim pa ang nauna nilang halik. Ni hindi rin siya nagpatalo at sinabayan ito.
Napaungol siya nang maramdaman ang palad nito sa isang hita niya na nakalitaw dahil sa slit ng suot niyang dress.
"Miles..." bigkas niya sa pangalan nito.
Bumaba ang halik nito sa leeg niya at hindi niya maiwasang hindi mapaungol sa sensasyong nararamdaman niya.
Sa tinagal ng panahon ay ngayon niya nalang ulit naramdaman ang gano'ng pakiramdam.
Ni hindi niya rin akalain na napakasarap pala na makulong sa mga bisig nito.
Napatingin siya rito nang itulak siya nito ng marahan upang mapahiga siya sa kama.
Napapalunok nalang siya dahil ang sexy nito tignan habang tinatanggal ang tuxedo nito at niluluwagan ang suot nitong kurbata.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...