CHAPTER 3

289 5 0
                                    

“We’re here, Lady Beatriz.”




Binuksan kaagad ni Bea ang pinto sa kanyang tabi nang marinig ang sinabi ni Viscenzo.





Lumabas rin ito ng sasakyan at pinapapasok siya sa likod na pinto ng hotel.




It’s clear. She thought while secretly looking around.




Wala siyang nakita ni isa sa mga staff kaya alam niyang planado ang lahat.




“You just need to shoot him in the head, Lady Beatriz. This is him” kalaunan ay turan nito habang sakay ng elevator.




Kinuha niya ang litrato na inilabas nito.




It’s a man in 40s.




Tumingin siya sa itaas at nakita ang CCTV roon.




“All of the CCTV are cut off. It will come back in 30 minutes” turan nito.




Marahil ay napansin nito ang pagtingin niya sa CCTV.




“Madam Bastelia secured you, Lady Beatriz, so you don’t have to worry” muling turan nito.




Hindi siya sumagot hanggang sa makarating sila sa pinakataas.




Agad na sumalubong sa kanya ang hangin at mula sa kinaroroonan niya ay kita na niya kaagad ang gagamitin niya.




It’s already on set like what he said. Anang isang bahagi ng isip niya.




Tinungo nila ang kinaroroonan ng silencer na baril at masusi niya iyong tinignan.




“This is M200 Sniper Riffle, Lady Beatriz. It has scope, silencer and bipod. Once you do your job here you can already leave and I will handle this one” turan nito.




Tumango lang siya at hinawakan ang baril na iyon.




Pumwesto siya at sumilip upang makita ang target niya. Nasa malayo itong building ngunit abot ng baril na gamit niya.




“He’s in 26th floor, Lady Beatriz” ani nito.




Hindi siya nagsalita at hinanap lang ang target niya.




Maya-maya pa ay nakita niya ito na nakikipag-usap sa isa sa mga tauhan nito.




Itinutok niya ang baril sa mismong ulo nito.




“Shoot him now, Lady Beatriz” ani Viscenzo na nasa tabi niya.




Muli siyang hindi nagsalita ngunit inasinta na niya ang ulo nito.




Nang saktong pagharap nito ay kinalabit niya ang gatilyo ng baril.




Nakita niya pa ang pagkataranta ng mga naroroon bago siya umalis sa pagkakasilip.




“Good job, Lady Beatriz” ani ng kasama niya bago inasikaso ang baril.




Hindi nalang siya kumibo at minabuti nalang na umalis.




Iyon ang paulit-ulit na pinapagawa sa kanya ng kanyang ina.




At sa araw na ring iyon ay hindi na siya naghintay pa ng text nito na mayroong papuri dahil sa ginawa niya.



Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon