"You like the food I made?"
Napaangat ng tingin si Bea nang marinig na magsalita si Fletcher.
Napadako ang tingin niya sa pagkain nito na para bang walang nabawas.
"Bakit hindi ka kumakain?" balik-tanong niya rito.
Ngumiti ito habang nakapatong ang mukha nito sa isang kamay nito.
Hindi niya rin alam kung kanina pa ba itong nakatingin sa kanya. Naging abala kasi siya sa kinakain niya.
"I'm already full just by watching you eating" banat nito.
Napairap niya at sinalubong ang tingin nito.
"Ilang beses ko nang naririnig 'yang linyang 'yan, mula sa drama series, sa libro, maging sa tunay na buhay. Nakakasawa nang pakinggan, wala bang bago?" turan niya.
"Then..."
Napatingin siya rito nang makita ang pagsilay ng nakakaloko nitong ngiti.
"I don't like the way you smiling" pangunguna na niya.
Mas lumawak ang nakakaloko nitong ngiti. "Really? Then..." huminto ito at hinuli ang tingin niya, "I'll be full if I eat you."
I knew it. Anang isang bahagi ng isip niya.
Napatampal nalang ang kamay niya sa noo niya dahil sa kalokohan nito.
He's just like Michael when we we're teenager. Anang isang bahagi ng isip niya.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...