Pagod na naupo si Fletcher sa isang sopa sa VIP room ng bar ni Krist.
Kasunod niya ang mga kabanda niya. Wala nga lang si Cristine na siyang vocalist nila dahil sinundo na ito ng asawa nitong si Sheedz.
"Para kang pagod na pagod, ah?"
Napatingin siya kay Darph na siyang nagsalita.
"Oo nga. Dami mo atang ginagawa lately, eh" pagsingit naman ni Champ.
Nakaupo na rin sa sopa ang mga kabanda niya.
"You're maybe a newbie, which is already not, but feel free to tell us if something bothering you" nakangiting turan ni Cybien.
Kahit na ilang taon na nang makasali siya sa banda ng mga ito ay tinatrato siya ng mga ito na pinakabata.
"Yeah. Cybien is right. Don't hesitate to tell us if something bothering you. We're not just bandmates, we're family here" paggatong naman ni Darph.
Napangiti siya bago nagsalita. "I'm just thinking how to make her happy."
"Bea? Your brother's best friend?" ani Earth.
Tumango siya sa mga ito at napabuntong hininga.
"I feel like there's something I need to do. I just don't know what it is" saad niya.
"Tingin mo ba hindi siya totally kasama ka?" tanong sa kanya ni Cybien.
Tumango siya sa mga ito na kapwa nakatingin sa kanya habang may kanya-kanyang hawak na shot glass at may lamang alak.
"Palaisipan kasi sa 'kin 'yung sinabi ni Light" ani niya.
BINABASA MO ANG
Desiring My Twin's Best Friend (COMPLETED)
RomanceWARNING : SPG | R-18 | MATURED CONTENT (some scenes are not suitable for young readers, but if you are open-minded then free to read) > A Story of Fletcher and Bea She's scared to fall while he wants her badly. All Rights Reserved ©2022 **** Cove...