ang babae sa kwarto

23 1 0
                                    

Ang tagal na nung huli akong nagsulat. Akala ko kasi wala na ulit akong mararanasan.

Nangyari nga po pala ito sa bago kong tinitirahan ngayun. Bali may 2nd floor po itong bahay. Dun din sa 2nd floor kwarto ko. Sira po yug cr nila dito sa taas kaya ang banyo lang ee dun sa labas. As in lalabas ka pa ng bahay para makapag cr and since masyado na pong hustle yun lalo na kapag iihi sa madaling araw ee bumili nalang po ako ng arinola.

So eto na nga. Nagising ako ng madaling araw siyempre patay po lahat ng ilaw pero medyo maliwanag naman kasi nakabukas yung bintana tapos may mga poste po ng ilaw dito.

Yung arinola ko kasi naka pwesto dun sa pinakagilid ng kwarto. Sa may corner.

Antok na antok pa po talaga ako nun pero since naiihi na talaga ako bumangon ako agad tapos umihi sa arinola.

After po siguro ng mga ilang sigundo may narinig akong babaeng umiiyak. Di po agad nag function yung utak ko nun kasi nga medyo antok pa ako kaya pinakinggan ko munang maigi. Pero babae po talagang umiiyak. Yung parang nananaghoy. Kinilabutan po talaga ako ng sobra nun kaso inisip ko baka kapitbahay lang kaya di ko pinansin tapos bumalik na ko sa kama.

Pabaling baling pa po ako nun sa kama kasi di talaga siya tumitigil sa pagiyak. Dun kona narealized na umiiyak siya dun po mismo sa corner ng kwarto sa may arinola ko.

Nagmumura na utak ko nun, pero pinapakita ko na wala akong naririnig at wala akong pakialam . Hanggang sa naasar po ata sakin yung multo kasi nga di ko pinapansin, umiyak ba naman sa tabi ng tenga ko paksht ayun tinalikuran ko. Lalo ko siyang di pinansin natulog nalang ako.



True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon