Kwento po ulit ng nanay ko ito. Nung anak niya palang yung panganay naming kapatid.
Madalas daw kasi silang naiiwan ni kuya noon dahil nagtatrabaho si papa. Halos gabi na din ito umuuwi kapag.
One time daw. Malalim na ang gabi at hindi pa raw nakakauwe si papa.
Nakarinig daw sila ng mga huni ng manok sa ilalim ng bahay nila.
Ee diba ang kalimitang disenyo palang ng bahay noon ee nakaangat tapos may space sa ilalim na minsan ay ginagawang bodega. Tapos ang sahig palang noon ee kawayan.
Nakakapagtaka daw kasi wala naman silang alagang manok.
Pagkatapos ng gabing iyon. Iyak daw ng iyak ang kuya ko. Hindi daw nila mapatahan na para bang meroon siyang iniindang sakit.
Kinabukasan laking gulat nalang daw nila ng biglang pumunta yung matandang kapit bahay nila saknila.
Hindi naman daw nila ito pinapatawag.
At wala din naman daw silang binabanggit tungkol sa kuya ko.
Pero pumunta daw siya doon para lang daw lawayan ang tiyan ni kuya.
After non, hindi na daw umiyak si kuya na parang may iniindang sakit.
Umokey din daw ang pakiramdam niya.
Hindi ko alam pero ng kinuwento ito sa akin ni mama. Hindi man niya sabihin ay alam kong pareho kami ng iniisip.
Na may kinalaman ang matandang ito sa nangyari sa kapatid ko ng gabing iyon.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila