Sino siya? 2

580 23 0
                                    


Nangyari to Nung dec 24 2017 Katatapos lang Ng trabaho ko..

OO bayani ako kahit ganung araw may pasok ako , kelangan ee wala akong magagawa

Pagod ako nun, may nang away pa saking customer.
Bakit kasi ganun? Hindi naman palagi customer is always right. Hindi naman na katanggap tanggap Kung binabastos na pagkatao namin. Disperas pakasi ng Pasko nun Kaya bwisit na bwisit talaga ako, grabeng customer yun walang pinipiling araw.

Nagmamadali akong umuwi nun kasi nga tutulungan kopa hipag ko sa paghahanda at saka siyempre ikukwento konadin yung kabwisitang nangyare sakin. Ganun kasi ako palagi nun sa hipag nagkukwento , sila mama kasi nasa Ibang bansa , magkaiba din naman ang oras Kaya Minsan Lang kami Kung mag usap

Kapapasok ko sa gate non, napatingin ako sa bintana

May nakaupo sa sala sa. Tabi ng bintana alam ko si hipag ko yun Baka nanonood

Nagmadali akong pumasok, gigil ako magkwento

"Alam mo ay ate" bungad ko sa pinto palang, nakayuko ako kasi tinatanggal ko pa sapatos ko

"May custo----" napatigil ako

Nagtaka

Kasi sa sala walang tao

Pero kanina nakita ko

May nakaupo

"Ate!" Sigaw ko

At mas lalo akong kinilabutan sa nalaman ko

Yung hipag ko nasa kusina pala
Napaisip ako
Nanghilakbot
Kung si ate nasa kusina

Sino yung nakaputi sa tabi ng bintana?

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon