Textmate

1.1K 37 0
                                    


Hapon noon yon. Katatapos ng Klase Ko.

Pagod ako, pakiramdam koy anumang oras bibigay na ang katawan ko

Pupuntahan ko sana si geli sa kwarto nya katulad ng lagi kong ginagawa

Nakasanayan nakasi naming dalawa Yun

Laging naghahanapan kapag umuuwe

Para kaming mag ina

Kakatok na sana ko sa kwarto nila kaso mas nangibabaw ang nais kong magpahinga nalang Muna

Pagpasok ko sa kwarto ko binaba ko na ang gamit ko at nagsimula ng magpalit

Naisip kong I text nalang si geli

Pero nahiga muna ko sa kama

"Geh asan Ka?" Text ko

At nagreply naman siya

"Dito " nangunot ang noo ko

"Saan?" Reply ko naman

Keypad palang kasi ang phone noon

"Sa kama mo" bahagya akong natigilan

"Sa kama ko?" Nagtatakang balik tanung ko saknya. Inantay kopa siyang nagreply kaso wala na kong natanggap mula saknya.

Inisip ko nalang nabaka ang ibig nyang sabihin ay nasa sarili nya siyang kama at nagpapahinga kaya natulog nalang din ako

Pero

Maya maya

May yumuyugyug sakin

Palakas ng Palakas

Hinahawakan nya ang balikat ko

Parang tinatawag nya ako

Yung kamay nya nasa muka kona

Nararamdaman ko

Parang ma----

"Joy! Joooyyy!"

Nqpabalikwas ako ng gising. Gabi napala.

Andito si geli sa kwarto ko Naka uniform pa.
Siya Pala Yung tumatawag sakin ginigising niya ako

"Bakit ba?" Iritableng tanung ko sabay higa ulit

"Nasan Yung charger mo?" Tila nagmamadali niyang tanung sakin

"Tignan mojan sa kabinet ko"

"Salamat "

Humihikab hikab pako noon at nag iinat para magising yung diwa ko pakiramdam ko kasi parang nabugbug yung katawan ko.

Babangon na sana ako noon nung nakita kong sobrang titig sakin ni geli nakakunot pa yung noo niya

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko

"Ano to?" Sabay pakita nya sa mga text Kong halatang karireceive lang niya

Sumikip ang dibdib ko

Pakiramdam ko hindi ako ma Kahinga

Pero impossible Ka text ko lang siya kaganina nirereplyan kopa

"Katext kita kaganina Diba? " alanganing tanung ko

"Ha?panu sana ee kanina pa lobat phone ko. Kadarating ko ngalang galing school ee " nagtataka at gulat na gulat din siya

"Impossible! " hindi ako makapaniwala "eto Tignan mopa Katext kita" sabay kuha ko sa phone ko

Pero wala na.

Wala ng text galing saknya

Tanging mga reply ko nalang sa sent items ang meron

"Impossible talaga joy kasi ngayun kopalang bubuksan phone ko nanghiram panga ko sayo ng charger diba" saad niya sakin habang nanlalaki pa ang mga mata. Kita ko sa saknya ang bahagyang takot

Kinabahan ako

Kasi Kung hindi si geli Yun

Sino ang kausap ko kanina?

At mas lalo akong kinilabutan ng maalala ko nung sinabi niya Kung asan siya

"Dito"

"Sa kama mo"

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon