Kwento rin po ito ng nanay ko nung bata palang siya.
Mahilig daw kasi siyang nanunuod ng sine. Sabi niya mga 25 cents palang daw ata ang bayad noon.
Ee hindi daw siya pinapayagan ng tatay niya dahil alam niyo naman na strikto palang noon lalo na sa mga babae.
Matigas din kasi ulo ni mama ko noong bata siya. Dagdag pa na medyo boyish pa daw siya noon.
Kaya kapag gabi raw tumatakas siya.
Dumadaan siya sa bintana para manood lang.
Kwento niya sakin.
Pauwi na daw siya noon galing sa panunuod.
Mag isa daw siyang naglalakad sa gitna ng daan.
Maliwanag naman daw ang buwan kaya nakikita niya ang dinaraanan niya.
Masukal at wala pa daw masyadong bahay. Pero hindi naman daw siya natatakot.
Tahimik lang daw siyang naglalakad noon ng nakarinig siyang ng malalakas na pagaspas ng pak pak ng ibon
Hanggang sa bigla nalang daw may malaking ibon na lumipad pabulusok sa kanya. Gusto daw siyang dagitin.
Pero bago pa siya madagit, pinalibutan daw niya ng mga aso. Lahat daw ito sabay sabay na umalulong.
Ang nakakatakot pa ee habang umaalulong daw lahat ng aso na nakapalibot sakanya. Bahag daw ang mga buntot nito.
Nakauwi rin naman daw siya ng ligtas ng gabing iyon.
Malaki ang pasasalamat niya sa mga aso. Dahil kung hindi sa kanila. Baka nakuha na siya ng malaking ibon na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/144741472-288-k430353.jpg)
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila