Nangyari din to sa inuupahan naming bahay
Gabi noon. Dalawa lang kami ng kuya ko sa apartment
Umalis kasi si mama hindi siya matutulog sa bahay
Binibiro pako ng kuya ko non
Siyempre gabi kaming dalawa lang Kaya tinatakot nya ko
Kakatok siya sa bintana namin sabay tatakbo at tatawanan ako.
Hindi naman ako natatakot nun kasi Alam kong kasama ko siya.
Nakikipag laro lang ako saknya
Nakikipagbiruan kasi Alam ko naman na hindi Niya ko iiwan
Hanggang Sa
"Bunso bili lang ako ulam natin sa labas" Sabi ni kuya., hindi pa kasi kami naggagabihan nun
"Kuya Sama ako"
"Wag na, saglit lang ako. Magbabike nalang ako Para mabilis" medyo alanganin man ay sumang ayon nalang ako
Lumabas na si kuya nanonood ako
Hanggang sa may narinig akong katok sa bintana
Natakot ako
Kasi ang alam ko wala na si kuya
Kaso
May biglang tumawa
Si kuya lang Pala
"Kuya naman ee" pagmamaktol ko
"Haha oo na. Bibili nako"
Ilang minuto na ang lumipas
Nanunuod padin ako
May kumatok ulit
Pinakiramdaman ko
Meron na naman
Nakita ko yung kamay nya
Napangiti ako
Si kuya Talaga nasabi ko nalang sa sarili ko
Tok! Tok!
Ayan na naman siya
Tumakbo ako
Dalidali kong binuksan yung pinto
Gugulatin ko sana siya
Nakangiti pako noon
Kaso
Pagbukas ko
Tanging lamig lang ng hangin ang bumati sa akin
Madilim
Walang Tao
Nababalutan ng katahimikan ang gabi
Wala ni isang anino ng kuya ko ang Nakita ko
Para akong natulos sa kinatatayuan ko noon
Hindi ko alam Kung tatakbo ba ako o magtatago
Kaso pinili kong magtapang tapangan
"Kuya?!" Sigaw ko
Katahimikan
Walang sumasagot
"Kuya!wag mo naman ako lokohin" nanginginig nako noon
Pero wala
Wala Talagang Tao
Ako lang
Ako lang mag isa
Sinara ko agad yung pinto
Nagkumot ako
Nanghihilakbot ako
Takot na Takot
Hindi
Hindi ako mag isa
May kasama ako
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
TerrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila
