Alok

1.5K 34 0
                                        


#Pakinggan nyo po yung sulat by moonstar88 para maintindihan nyo yung kwento ko
-----------------------

Kaboardmate ko si Geli, kababata ko din siya pareho kaming lumaki sa baryo.

Nag aral kasi kaming dalawa noon sa siyudad. Pareho din kami ng paaralang pinapasukan. Business Ad ako samantalang siya naman ay midwifery. At Dahil pareho kami ng boarding house na tinutuluyan naging magkalapit ang loob namin. Nakasanayan nanaming magkasama pagkatapos ng klase lagi kaming naglalakwatsya Kung saan saan . Sa lahat ng kalokohan siya ang kasama ko.

Sa lahat din ng kababalaghan

Oo may third eye din si geli, Hindi namin iyon inililingid na dalawa. Pareho kami ng mga nakikita at nararamdaman. Ewan ko ba , sa pagkakaalam ko nun simula ng makasama ko siya lumala. Lumala yung mga bagay na Hindi nakikita ng pang karaniwang mata.

Gabi noon, walang kuryente , kasama ko mga iba pa naming board mate nagluluto sila sa kusina samantalang kami ni Geli kumakain na , magkakahiwalay kasi kami ng pagkainan. Sari sarili kumbaga and since kasama ko nman bestfriend ko kaming dalawa nalang ang nagsheshare para Mas makatipid.

Masarap ang kain namin habang nagtatawanan
Tanging isang maliit na kandila Lang ang nagsisilbi naming Ilaw.
At nagpapatugtug din kami gamit ang cellphone ko para naman Hindi ganun katahimik ang paligid

Nagtatakutan kami. Kami kasing dalawa ang pinaka bata noon sa boarding. Kaya siguro ganun nalang Nila kami Kung takutin.hindi kasi Nila alam . Kung anung kakayahan ang Meron kami ni Geli. Hindi namin to pinapaalam sakanila.

" nako Joy, mamaya magisa mo sa kwarto mo walang kuryente may tatabi sayo" pananakot sakin ni at cherry may sarili kasi akong kwarto noon samantalang sila lahat bed spacer

"Haha. Grabe ka ate . Tatabi nalang ako sa Kama ni Geli mamaya magsisiksikan kami"

"Ayoko nga , bahala ka Jan Hindi tayo kasya sa higaan ko no haha" tumatawang saad ni Geli sakin

"Anu palang ulam nyo? Ang sarap ng kain nyo ee" biglang tanong naman ni ate princess

" hotdog ate hehe"

" naku puro kayo hotdog 😂"

"Gusto mo ate?" Alok ko saknya

"Ayoko😂" sabi Nya

" sige siya nalang ang aalukin ko" Sabay lingon ko sa madilim na parte ng sala ng boarding house namin.
Madilim na madilim noon wala Kong nakikita. Sinasabayan yun ng musikang pinapatugtug ko. Sulat by moonstar88 . Yung Original version.

"Kain po tayo" nakangiting sabi ko sa kadiliman ng sala. Akala mo may kausap ako Pero wala. Binibiro ko Lang naman sila noon.

Pero biglang nagimbal kaming lahat. Kasi yung tugtug. Biglang nagiba. Yung kumakanta.

Naging boses lalaki!

Nakakapanghilakbot

Parang nanggagaling sa ilalim ng lupa yung boses niya

Saglit lang noon Yun kasi pinatay ko agad phone ko

Hindi nadin namin tinuloy kumain ni geli sa sobrang takot

----------------------------

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon