The man in white

65 7 0
                                        

This story was also copied from my old notes.
——-

Madaling araw na noon yun prro gising pa ako, naglilinis ako. Siyempre excited ako kasi darating yung ate ko kasama yung family niya. Bali first time kasi ng family niyang umuwe ng buo sa pinas kaya todo linis talaga ako that time. Hindi ko nararamdaman pagod kahit madaling araw na kong naglilinis pa din.

Naiwan lang ako noon saka yung isang kuya ko. Tapos ayun nga nakainum pa siya.

Nagwawalis ako nun sa may hallway namin nung nakita ko si kuya nakaputi, siyempre siya ang iisipin ko kasi dadalawa lang kami sa bahay.

Sinundan ko pa siya ng tingin nun pumunta siyang banyo galing siya sa kwarto nila.

Pero ang pinagtataka ko nakasara naman yung kwarto nila. Edi sana narinig kong bumukas yun kaya ang ginawa ko lumapit ako sa banyo sinilip ko kung may tao pero wala. Dun na ako talagang sobrang nagtaka kasi sinundan ko pa siya ng tingin habang naglalkad.

Then after nun binuksan ko yung kwarto nila. Sobrang kilabot ko noon kasi nakita ko si kuya sa sahig tulog na tulog sa sobrang kalasingan.

Hindi iyon yung huling beses nagpkita sa akin yung lalaking nakaputi na iyon. May mga time pa na kinakausap ko siya kasi akala ko kasama ko sa bahay. Bigla nalang kasi siyang tatabi sa akin minsan.

Pati nga dati yung hipag kong hindi naniniwala naniwala din. Kasi kwento niya sakin twice din daw nagpakita sa knya.

One night narinig ko siyang dakdak ng dakdak kasi yung kuya ko lasing na nman. Sinasabi niya kasing pumasok na sa kwarto nila para matulog pero lakad lang daw ng lakad kuya ko kaya ginawa ko lumapit ako only to find out kanina pa natutulog si kuya sa sala. Thn one time ganun ulit eksna niya sa sala namn nakita niya nakaupo ulit. Tinatawag niya akala naman niya yung kapatid niya babae yun pala nasa kwarto. Sobrang takot niya nun. Pero sa isip ko hindi bad spirit yun. Baka yung yumaong daddy lang namin nagpaparamdam kaya in the end ipinagsawalang bahala nalang namin.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon