MAHAL AKO NG DIYOS

821 29 0
                                    


College student ako noon

Lagi akong nagigising ng alas dos o alas tres noon araw araw yan

Sa tuwing nagigising ako nun nararamdaman ko

May nakayakap sakin

Naririnig ko kasi yung paghinga nya sa likod ng tenga ko

Nararamdaman ko din yung init sa likod at bandang tiyan ko

Parang may nakapatong na

Kamay

Yung may nakayakap sayo

Alam MO yung ganung pakiramdam

Sa sobrang takot gusto mong ipagdasal hindi kanalang Sana nagising

Araw araw Yan

Nung una kasi itinatatak kolang sa kokote Kong hindi to too ang lahat

Ayoko kasing mabalot ng takot yung sarili ko

Nagtatapang Tapangan ako

Naalala ko si mama nung Bata ako Lagi niyang nilalagyan ng bible yung uluhan ko pag natutulog ako kasi Sabi niya na Lagi ko daw sinasabi sakanyang may nakikita raw akong itim na pigurang lumalapit sakin kinukuha daw ako pero ayaw ko sumama

Hanggang sa Isang Gabi

Hindi ako Makatulog
Ewankoba pero Kahit antok na ako noon ay pinipilit ko pading wag matulog

Para kasing iba yung pakiramdam ko

Parang may hindi magandang mangyayare

Bilog na Bilog kasi ang Buwan noon

Magisa ko sa kwarto

Nakatitig lang ako sa kisame nun ng biglang may narinig akong nagsasalita sa labas ng kwarto Ko

Hindi ko siya maintindihan

Parang nanggagaling sa ilalim ng Lupa Yung boses niya

Para siyang nagdarasal ng Kung anung lenguwahe

Humahalakhak siyang parang demonyo

Sa sobrang takot Ko Hindi na Ko makagalaw

Nanlalagkit yung Pawis Ko

Ang tanging naintindihan kolang sa sinabi niya

Wag raw akong lalabas

"Wag Kang lalabas!"

"Wag Kang lalabas!"

Paulit ulit niyang sinasabi

Tapos hahalakhak ulit siya

"Wagkang lalabas Kung Hindi may mangyayari sayo!"

"Wag Kang lalabas!"

Takot na takot ako nun

Pakiramdam Ko namanhid buong katawanko

Hanggang sa biglang umihip ng malakas na hangin sa buong kwarto ko

Nakakapagtaka kasi Hindi naman bukas yung bintana saka walanaman akong electricfan noon

Ang lakas talaga ng hangin noon

Rinig na rinig ko yung pagihip niya

Parang sumisipol

Naiiyak nako sa takot non

Hindi naman ako makagalaw sa sobrang takot ko

Hindi gumagana ang Utak ko

Hindi ako makapagisip ng maayus

Hanggang sa

Pakiramdam ko tumigil ang pagikot ng Mundo ko

Narinig ko siya

Nagsalita

Ang lakas

Sa may tenga ko

Katabi ko na siya

"Nicolas! "

"Ako si Nicolas kampon ni Satanas"

Sigaw niya sa bandang tenga ko

Dumadagundong ang boses niya

Para akong nabingi sa takot

Nakangiti siya sa Tabi ko

Humahalakhak na demonyo

Tumakbo ako

Naglakas loob akong Lumabas ng kwarto

Ayaw niyakong palabasin pero baka pag hindi ako lumabas Mas lalong may mangyaring masama sakin

Ang Lakas ng katok ko sa kwarto ni mama noon. Takot na takot ako

Pakiramdam ko bwat Segundo ay oras
Pakiramdam ko anytime makikita ko siya sa likod ko

Nung Buksan ni mama yung kwarto pakiramdam ko nakakakita ako ng angel

Salamat nalang sa diyos walang nangyaring masama sakin

Isang linggo akong hindi natulog sa kwarto ko nun
Sabi ni mama nananaginip lang daw ako pero Para sakin impossible kasi hindi pako natutulog noon Alam ko pinapagaan nalang ni mama loob ko noon pero hindi parin talaga nawawala yung takot ko
Hanggang ngayun

Simula nanga din nun, hindi ako natutulog ng walang kasama sa kwarto at hindi bukas ang ilaw.
Natatakot ako
Alam ko Ganun din si mama
Kaya nga Pati yung dati Kong kwartong Yun pinagiba nadin ni mama
Ngayon Sala na siya

At Masaya ako kasi nawala nadin siya
Hindi naniya ko ginagambala
Naging active din kasi ako sa bible study at church nun
Kaso nung una Medyo Mahirap kasi Alam MO Yun maayus naman pakiramdam ko pero kapag sisimulan na namin yung bible study biglang sumasakit ulo ko yung sobrang sakit talaga tapos pagtapos nayung study parang magic wala nadin yung sakit

Iniisip ko noon. Paraan niya lang Yun Para hindi ko ituloy ginagawa ko
Pero Pasensiya siya Kahit anung gawin niya
Alam ko sa sarili ko hindi ako pababayaan ng nasa itaas
Alam ko

MAHAL AKO NG DIYOS.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon