Sea Creature?

46 4 0
                                    

Ang kwentong ito ay mula kay ate cheng, kung naaalala niyo siya sa isang kwento ko.

Dalaga pa daw siya noon dito.

Siya ngapala. Ate cheng is from Visayas.

Kwento niya sa akin. May ilog daw saknila na napapalibutan ng malalaking puno. Kumbaga parang ilog sa gitna ng kagubatan.

Siguro dahil nung panahon na iyon ee kokonti palang ang kabahayan.

Isinama raw niya yung batang pamangkin niya sa ilog . Maglalaba daw kasi siya noon.

Nung una ay naglalaro lang naman daw ito kaya hinayaan niya nalang muna.

Pero maya maya pa laking gulat nalang daw nila ng biglang mawala yung pamangkin niya.

Sobrang takot na takot daw siya noon kasi kargo niya yung bata.

Pinagtulungan naman daw nilang hanapin ito.

Hanggang sa matagpuan nalang daw nila yung katawan ng bata sa dulo ng ilog at wala ng buhay.

Kagat kagat daw ang katawan ng bata.

Nababalutan pa daw ng ito ng malapot na bagay.

Ang nakakatakot pay umaalingasaw daw ang lansa sa katawan nito.

Hindi ko na alam kung anung nangyari pagkatapos nun. Dahil sabi niya pumunta na daw siyang luzon. Dahil na rin siguro sa nangyari at kapabayaan niya.

Pero kwento niya sakin. May mga shokoy daw silang nakikita sa lugar na iyon. Eka niya umaahon daw ang mga ito ng mga dapit hapon.

Hindi ko alam kung totoo.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon