Signus?

217 10 0
                                    

Nakwento lang to ng kaibigan ko.

Teacher kasi siya, tapos leader and president pa ng kung anu anung club at may tutor pa pag gabi.

In short sobrang sipag at sobrang busy na tao

Gabi na siya lagi nakakauwe minsan madaling araw pa

Ee yung bahay nila ay masasabi kong parang medyo baryo konti lang kasi yung bahay na madadaanan tapos medyo mapuno pa

Pauwe na daw siya nun

Mga bandang alas onse ng gabi

Madilim

Walang street light

Tahimik

Wala ng taong makikitang pakalat kalat sa daan

Yung daan nalamang na natatamaan ng ilaw ng motor niya ang nakikita niya

Mabagal lang daw ang patakbo niya noon

Hanggang may naaninag siyang lalaking naglalakad

Tulak tulak yung motor niya

Nasiraan siguro o naubusan ng gas

Nagtataka lang siya kung sinu yung lalaki kasi gabing gabi na at wala pa itong dalang ilaw

Pero hindi nalang daw niya ito pinansin

Mabagal lang patakbo niya

Hanggang sa nagkatapat na sila ng lalaki

Nanlamig daw ang buong katawan niya ng makita niya ng malapitan ito

Yung lalaki daw kasi

Walang ulo!

Naglalakad lang daw ito ng deretsyo

Binilisan daw niya yung takbo

Takot na takot siyang nagkwento sakin pagkauwe niya

Natakot din ako kaso hindi siya nakakasiguro kung buhay o multo ba yung nakita niya

May mga naririnig kasi akong ganun kapag daw buhay at nakitang walang ulo dapat kausapin o tapikin

Signus daw kasi iyon

Nakakatakot pero naniniwala ako.dito.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon