Ako ngapala si Joy. Bata palang ako nakakakita na ako ng mga hindi maipaliwanag na bagay. Minsan sinasabi nilang guni guni kolang. Minsan sinasabi nilang panaginip kolang. Hindi ko Alam pero mahirap paniwalaan.
College student ako noon. Hindi ko Alam pero lagi akong hirap matulog. Umaabot ako ng madaling araw kung hindi naman lagi ako nagigising ng alasdos o alastres. Araw araw Yan. Oo araw araw. Yung feeling na bigla nalang mumulat yung mga mata mo ng wala namang dahilan. Kaya kadalasan pagnagigising ako hindi nako natutulog.
Isang Gabi o madaling araw nagising ako. Madilim pero maliwanag ang buwan . Walang kuryente. Hindi kasi ako nakakatulog kapag walang ilaw. Pero sapat na yung liwanag ng buwan para makita ko ang paligid. wala pa kasing kurtina yung bintana ko noon kaya tumatagos yung liwanag Doon. Nakatitig Lang ako noon sa buwan ang lakilaki. Ang liwaliwanag pero hindi ko Alam pero bigla akong napatingin sa gilid ng kama ko.
Nakita ko
May nakaupo
Yung bulto ng katawan nya tansya ko lalaki siya
Kulay itim ang balat nya
Parang uling
Para siyang anino
Hindi ko Alam kung ano ang Takbo ng utak ko noon pero hindi ako natakot
Oo.hindi ako natakot sakanya. Pakiramdam ko kasi nun safe pako kasi anjan siya
Nagbabantay sa akin
Kaya pumikit uli ako balak kona sanang matulog ulit
Kaso. May narinig ako
Barya
May naglalaro ng Barya
Sa tenga ko
Naririnig kosiya
Mahina
Malakas
Palakas ng Palakas
Yung barya maingay
Pagmulat ko
Yung muka nya
Nasa harap ng muka ko.
------Thank you for reading 😊
Please support my other stories
×Compilation of Horror Stories
×Short Horror Stories
×Tinta
×NymphomaniacDont forget to vote and comment.
Shukran 😉
-JaijaiAsuncion
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila