Apartment

675 21 3
                                    

Nangyari Eto noong 9 years old ago

Naghiwalay Kasi ang parents Ko

Kaya kami ni mama kasama pa ang ibang kapatid ko ay lumipat sa isang apartment

Lumang apartment siya

Sabi ng mga kapitbahay may mga nagpaparamdam daw sa bahay na iyon pero dahil nangangailangan kami ng tutuluyan hindi na namin iyon pinansin

Ang mahalaga ay mayroon kaming bubong na masisilungan

Umaga noon nung nagpasiya kaming lumipat

Nagsaboy ng bigas sila kuya at naglagay ng alay sa altar

Nagtirik na din sila ng kandila sa tabi nito

Maliit Lang Yung bahay pero sakto na para sa amin

May secondfloor siya kaso mga tatlong hakbang lang ang taas

May tatlo ring kwarto

Dalawa sa taas at isang maliit sa tabi ng cr

Yung dalawang kwarto may tigisang malalaking kama

Pero nakakapagtaka kasi yung isang kama andaming dugo

Oo hindi ordinaryong dugo

Kasi nagpakarami nito

Nagkalat sa buong kama

Hindi nalang ito pinansin ni mama at napagpasyahang baliktarin yung foam nito
Sinabuyan nadin nila ng bigas at pagkatapos ay nagalay ng munting dasal

Gabi na

. Tanging kandila lang ang ilaw namin hindi pakasi nakakapagpakabit ng kuryente si mama dahil biglaan lang ang lipat namin.

Inaasar ako noon ni kuya

Marahil siguro ay madilim kaya tinatakot nya ako

Hanggang sa nag away kami

At umabot nanga sa sigaw

Sigaw ako ng sigaw noon

Asar na Asar kasi ako

Pinagalitan ako ni mama

Kaso

Huli na

Nabulabog kona sila

Naistorbo kona sila

Yung mga nananahimik na kaluluwa

Nagising ko sila

----------

Madaling araw naalimpungatan ako

Pero hindi padin ako dumidilat

May naririnig kasi akong maingay

Parang mga pinggan

Parang may naghuhugas sa kusina

Dumilat ako

May liwanag na nanggagaling sa kusina marahil ay Isa itong kandila

Bakit ang ingay

Napatingin ako sa tabi ko

Isang puting bulto

Marahil ay unan

Medyo madilim kasi

Nasaan kaya si mama?

Baka siya yung naghuhugas sa baba.

Bababa na sana ako noon sa kama

Kaso

May kung anung malamig na humaplos sa mga paa ko

Kinilabutan ako

Parang ayaw akong pababain

Hindi ko Alam pero bigla nalang akong napatingin sa gilid ng kama

Nagulat ako

Nanlagkit ang pawis ko

Hindi ako makahinga

Hindi ako makakurap

Pakiramdam ko mawawalan ako ng ulirat

Sa gilid ng kama

May babae

Nakatayo

Nakabelo ng itim

Nakipagtitigan ako pero takot na takot talaga ako

Gumalaw ang kamay ko naghanap ako ng kumot

May nakita ako

Nagtalukbong ako

Nanginginig ako sa sobrang takot

Sinilip ko uli siya baka namamalikmata lang ako

Nagimbal ako

Kasi yung babaeng nakabelo ng itim

Andun padin

nakangiti sa akin

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon