Itim

78 6 0
                                    


Meron ako dati co worker bali naikwento niya lang sakin.
Sinamahan daw niya bf niya noon umuwi sa kanila dahil may kukunin daw na gamit
Madaling araw na daw noon yun nung pauwe na sila
Malamig ang hangin
Madilim
Tanging tunog lang ng kuliglig at kulisap ang maririnig
Napaka kipot daw ng daan na binabagtas nila
Nag short cut daw kasi sila
Mapuno
Bukirin
Halos wala kang makitang bahay o poste man lang ng ilaw
Napakadilim
Tanging nakikita lang nila ay ang natatamaan ng ilaw ng motor nila
Sobrang lamig daw
Parang may yelo ang ihip ng hangin
Tahimik lang daw na nag dadrive yung boyfriend niya
Hanggang sa may mapansin silang liwanag di kalayuan
Nakakapag taka dahil napaka rami daw nito
Parang mga alitaptap kapag sa malayo
Pero laking gulat daw nila nung medyo napapalapit na sila dito
Dahil kumpol pala ito ng mga tao
Nakakapanghilakbot dahil anung ginagawa nila sa disoras ng gabi sa isang mapuno at walang halos kabahay bahay na lugar
Hanggang sa mapansin nilang kandila pala ang nakikita nilang liwanag sa malayo
Lahat sila ay may hawak nito
At ang nakakatakot pay lahat sila naka itim
Nakakorte daw sila ng bilog na animoy nag darasal
Nagdarasal sa gitna ng dilim
Tila nanlambot daw ang tuhod nila ng mapansing nakatingin na ang mga ito sa direksyon nila
Nanlilisik ang mga mata
Animoy naistorbo sa kung ano man ang kanilang gingawa
Binilisan daw nila ang pagpapatakbo ng motor sa oras na yun
Walang lingon lingon
Hanggang sa malampasan nila ang kumpol ng mga nakaitim na tao.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon