Inday ang nickname ng mama ko nung dalaga pa siya. Yun ang tawag saknya ng mga pamilya niya noon. Nakwento niya lang sakin to way back 1980's. Dun daw sa lumang bahay ng lola niya sa Mindanao.
Nag aaway daw sila noon ni papa. Ee itong si mama. Nagmamatigas raw. Naka kulambo daw sila noon. Tapos sa sobrang pagmamaktol niya lumabas siya ng kulambo nila. Then pag baliktad daw niya dumapo kamay niya sa harap niya. May nahawakan daw siyang sobrang lamig na kamay. Mabalahibo daw. Na malaki. Parang nag yeyelo sa lamig.
Sobrang takot daw niya noon. Pumasok agad siya sa kulambo.Then, isang pang story niya. Minsan daw pag gabi may naririnig daw silang nag lalakad na nakakadena ang paa. Parang meron daw mabigat na bagay na hinihila ganon.
At yung pinaka kinatakutan kong istorya niya sa bahay na yun. Is may isang gabi daw . Natutulog na siya, sa 2nd floor kasi yung kwarto nila. Narinig daw niyang may umaakyat ng hagdad. Nag lalangitngit. Rinig na rinig mo daw talaga yung pag akyat ng paa. Tapos ang nagpanindig ng balahibo ko. Tinatawag daw yung pangalan niya habang umaakyat.
"Inday"
"Inday"
Parang galing daw sa ilalim ng lupa ang boses
Parang nananaghoy
Boses daw ng isang matandang babae.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila