I just want to share my story about sleep paralysis.
--Nagsimula ito nung bata palang ako. Yung pakiramdam na bigla ka nalang hindi makagalaw pero nakikita mo ang paligid mo. Everytime na naeencounter ko siya noon yung hinlalaki ko sa paa ang lagi kong pilit ginagalaw.
Kwento pa ng nanay ko lagi daw ako nag cocomplain dun sa babaeng nakaitim. Lagi ko daw sinasabi saknya na kinukuha ako nung babaeng nakaitim. Mga 6 years old palang ako noon kaya clueless palang ako. Then naalala ko.start nun Everynight nagpepray kami ni mama tapos lagi siyang nag lalagay ng bible sa uluhan ko which is wala pa akong kaideideya talaga noon kung para saan yun.After nun wala na. Hindi ko na siya nararanasan at nakalimutan ko na din. Hanggang sa mag hiwalay ang parents ko.nasa mga 9 years old siguro ako nun. Lumang apartment siya. Dun kami lumipat na pamilya.
Then one night may katabi akong buntis. Busog na busog ako noon tapos natulog kasi ako kaagad. Medyo creepy pa ako nung bata ako. Marami akong lumang dolls . Everynight na matutulog ako pinapaligiran ko yung sarili ko ng mga lumang dolls na yun. As in binibilog ko siya tapos ako sa gitna. Tapos yung style ng pagtulog ko nun is nakatihaya tapos nakapatong dalawang kamay ko sa may dibdib ko.
Nasa kalagitnaan ako ng tulog ko nun ng may maramdaman akong something sa may paanan ko. May babaeng nakaitim. Hindi ako makagalaw pero nakikita ko siya . Hindi ako natatakot. Tinitignan ko lang siya. Hanggang sa unti unti siyang gumagapang papalapit sa akin dun na ako natakot. Sinubukan kong mag salita pero walang lumalabas sa bibig ko. Tinitignan ko yung buntis na katabi ko pero nakatagilid siya patalikod sa akin. Tapos maya maya Hinawakan nung babaeng itim yung paa ko saka ako pilit na hinihila. Sabi niya pa sakin sumama na raw ako sa knya. Huminga ako ng malalim saka sumigaw ng malakas. Naalala ko pa sobrang taranta nung buntis na katabi ko kasi sigaw ako ng sigaw ng aswang aswang. Sabi niya sakin takbo na daw kami pero hindi pa din ako makagalaw. Kaya tinawag niya yung kuya ko saka binuhat ako lipat sa ibang kwarto. Dun lang ako nakagalaw. Pero ang pinagtataka ko paulit ulit nilang sinasabi na nananaginip raw ako pero sabi ko skanila nakikita ko sila. Pinagalitan pa nga ako nun kasi baka daw sa mga lumang dolls ko na yun na pinapalibot ko sa higaan ko everynight kaya ang ending simula nun. Hindi na ako naglalagay ng dolls sa higaan ko.
Naging normal nalang sakin noon ang ganun. Nakuha ko na yung tamang dapat gawin para gisingin yung sarili ko. Di ko pa alam ang tawag dun noon hanggang sa mag highschool ako. Lagi akong nagtataka bakit lagi ako nag kakaganun. Binago ko ang ayos ng kama ko. Dati kasi yung paanan ko nakaharap sa may pinto. Hindi ako mapamahiin kaso sa isip ko wala namang mawawala kung hindi susubukan. Then ayun na nga naging effective siya. Hindi na ak0 nagkakaganun noon. Naging normal ulit pag tulog ko.
Lumipas ang taon hanggang sa maging college student ako. Naresearch ko na din kung anu ang tawag sa nangyayari sakin. Sleep paralysis. Naging panatag ako nung malaman ko na hindi lang ako ang nakakaranas ng ganun. Ang nakakatakot nga lang ay yung posibilidad na hindi kana magising. sudden death syndrome.
O mas kilala sa tawag na bangungot. Pag naranasan mo ito hindi mo na maikukwento pa sa iba dahil for sure patay kana. Nightmare o night terror naman ang tawag sa inaakala natin dating bangungot. So ito na nga. Mahirap ang salitang tulog sa akin noon kasi pag dating ng kolehiyo mas lumama ang sleep paralysis ko.There are times na sa sobrang takot ko matulog ee hindi na talaga ako natutulog. Kasi alam niyo ba ang nakakatakot na part?sa sobrang antok ko Kapipikit palang ng mata ko hindi na ako makagalaw. Yes. Ganun na po siya kalala. Nakikita ko ang paligid pero hindi ako makapag salita. Nakapikit po ako. Pero nakikita ko ang paligid. Sound creepy right?. May mga times pa na habang inaatake ako ng sleep paralysis nakikita ko yung muka ng itim na babaeng nasa tapat ng muka ko. Nakangiti lang siya sa akin. Habang parang may malakas na hangin ang pumapaypay sa akin.
Isa iyon sa nakakatakot na parte ng buhay ko. I always pray na sana sa mga susunod na araw ay magising pa ako.
Lagi akong napapatanung sa sarili ko anu bang problema bakit inaatake na naman ako nito. Binubuksan ko na ang ilaw ng kwarto . May katabi na ako. Pero meron pa din siya. Natatakot na ako kasi baka sa susunod kunin na talaga ako ng babaeng nakaitim. Hanggang sa one time i realized everytime na nagigising ako nakikita ko ang sarili ko. May salamin sa tabi ng kama ko. Sabi kasi ng iba ang salamin daw ay lagusan ng mga kaluluwa sa ibang demensiyon. Maari daw nitong higupin din ang kaluluwa mo at ikulong sa salamin na ito. At that time naniniwala ako dun kasi napapansin ko sa mga lumang salamin kapag pinakinggan mo may kumakatok sa loob nito. Pero kapag sa mga bago wala naman. Iniisip ko baka may mga trap na kaluluwa ang naroon at nakikipag communicate sila sa pamamagitan ng pagkatakot.
Ang ginawa ko. Binago ko ulit ang ayos ng kwarto ko. Tinanggal ko yung salamin sa tabi ng kama saka tinatakpan yun everynight na matutulog ako. At ngayon? Wala na siya. Nakakatulog na rin ako ng maayus ng walang pag aalinlangan at kinakatakutan.
Maraming salamat sa pag babasa. Sana kung nakakaranas ka din nito ay makatulong ang kwento ko.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila