My Fathers Love

43 4 0
                                    

Para sakin hindi naman siya scary pero gusto ko siyang ishare dito.

2007 namatay ang daddy ko.

Broken family kami kaya hindi ko talaga siya masyadong nakasama ng matagal. Dag dag pa na bunso ako at nag iisang anak niyang babae kaya ramdam ko din na mahal na mahal niya talaga ako.

Ng namatay si daddy ko nakaupo lang ako sa tabi niya at binabantayan siya.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba pero narinig ko siyang humihilik. Mag isa ko lang kasi noon. Dahil tulog n din ang iba.

Instead na matakot napangiti lang ako noon, then I said

"De, kung andito ka mag paramdam ka naman oh"

Biglang humangin ng malakas nun.

After that naulit pa iyon

Pumunta ako sa kwarto ni daddy.

Nakakabit palang yung kulambo niya. Naaamoy ko din yung natural na amoy niya

Umiiyak ako noon dahil miss na miss ko na siya.

Nahiga ako sa kama niya

Maya maya pa. Nakaramdam na naman ako ng malamig na hanging humaplos sa akin.

Pumulipot yun sa bewang ko.

Iyak lang ako ng iyak noon kasi alam kong kasama ko siya. Niyayakap ako.

After a year. Namimiss ko pa din ang daddy ko.

Hanggang sa isang gabi nanaginip ako

Nakaputi siya. All white.

Nakita ko din doon sa panaginip ko yung kapitbahay naming matagal ng patay.

As usual umiinum na naman ito ng alak

Tinanung ko kung asan yung daddy ko at itinuro naman niya kung nasaan ito

Pag kakita ko noon sa daddy ko. Niyakap ko agad siya ng sobrang higpit.

Parang totoo ang lahat. Kinakamusta niya ako.

Maya maya pa nag papa alam na siya sakin. Nalungkot ako nun kaya sabi ko saknya. Antayin niya ako kukuha lang ako ng gamit ko pagkatapos ay sasama ako saknya.

Tumakbo na ako para kumuha ng gamit

Pero pagbalik ko

Wala na siya

Iniwan niya

Hindi niya ako sinama.

Kinuwento ko ito kay mama. Pero sabi niya. Love daw ako ni daddy dahil hindi ako sinama.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon