Sundo

85 7 0
                                        

Naibahaging kwento ng isa sa aking mga kaibigan
------





Ako si Jayzzam. Nakatira kami sa mapuno at bukiring lugar

Baryo din ito

Tabi kasi ng daanan yung bahay namin kaya rinig na rinig mo kung may motor o sasakyan na daraan

Nasa bayan ako noon ng may mabalitang na disgrasya malapit sa amin

Mga grupo daw ng kabataan

Nakainum

Natumba daw sila sa motor na mabilis na minamaneho dagdag pang over loading sila kaya lalong nahirapang ibalanse ito

Pababa din pala yung daanan na yun kaya mas naging mabilis ang pagbulusok nila pababa

Nagkataon naman na may kuliglig sa harap nila kaya isa isa silang naipit nito

Lahat sila

Dead on the spot

Walang natira

Walang nakaligtas

Isang nakakalungkot na balita ito para sa baryo namin

Lesson learned na rin para sa ibang mga kabataan

-----

Madaling araw yun ng magising ako

Pumunta akong cr upang mag banyo

Madilim ang paligid

At tulog na din ang mga tao

Tahimik

Walang sasakyang dumaraan

Wala kang ibang maririnig kundi ang mga huni ng palaka lamang

Katatapos kasi noon ng ulan

Palabas na sana ako ng banyo noon ng bigla akong matigilan

Nakarinig kasi ako ng mga palahaw ng iyak

Pinakinggan kong mabuti kung san ito nang gagaling

At bahagya akong nanghilakbot ng mapagtantong sa kalsada ito nagmumula

Sino ang mga ito

Bakit sila umiiyak Ng ganitong oras sa daan

Animoy nananaghoy

Para silang mga nahihirapan

Habang tumatagal ay palakas ito palakas

At habang tumatagal din ay lalo akong binabalutan ng takot

Para kasing nang gagaling sa kailaliman ng lupa ang mga panaghoy nila

Tila nakikiusap

Nag sisisi

At bigla kong naalala ang aksidenteng naganap ilang araw na ang nakakaraan

Baka ito ang mga kabataang namatay sa daan na yun

Sa pag kaka alam ko kasi ay hindi man lang inalayan ng dasal o kahit tinirikan man lang ng kandila ng kanilang mga yumaong pamilya ang lugar na iyon

Marahil ay naiwan pa sila doon

Hindi matanggap ang sinapit

Natatakot

Hindi makaalis

Dahil wala pang sumusundo sakanila

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon