Nangyari ito way back 2008.
May pinatira kasi si mama noon sa bahay. Babaeng buntis saka yung asawa niya. Hindi naman masasabing boarders kasi pinatira lang kumbaga tinulungan ni mama kasi wala silang matirhan at that time. Pero kakilala naman sila ni mama.
Sabi kasi nila kapag buntis ang babae minsan sumpungin talaga hindi ba
Nung bata ako di ko pa masyadong naiintindihan yun. Paanu ba naman kasi yung babaeng buntis every madaling araw sinusumpong ata. Minsan nag aaway sila ng asawa niya which is nakakabalahaw sa aming mga natutulog na .
One night nagising ako mga alas dos na ata yun ng madaling araw. Itago nalang natin sa pangalang Cheng.
Si ate cheng umiiyak. Nagkatampuhan na naman ata sila.
Hindi ko siya pinansin nun kasi nga antok na antok pa ako.
Kinabukasan ko nalang nalaman kung anu ang ginawa niya.
Sa likod kasi ng bahay namin may roong malaking puno ng mangga. Sabi sabi na panahon pa daw ng hapon meron na ito.
Nung bandang alas dos daw lumabas daw siya saka tumambay doon mismo sa ilalim ng punong iyon
Hindi daw niya alam kung anu ang pumasok sa kokote niya at ginawa niya iyon
Basta iyak lang daw siya ng iyak
Maya maya daw may biglang batang babae ang nagpakita sa harap niya. Nakasuot daw ito ng puting bestida. Napaka amo daw ng muka nito
Hindi naman daw siya natakot nung una timitignan lang daw niya yung bata na nakatayo sa harap niya. Pero nung nahimas masan daw na siya doon na siya nabalutan ng takot.Nagtatakbo daw siya agad noon pabalik sa bahay.
Buntis pa man din siya.
Actually. Hindi lang iyon ang unang beses na nakarinig ako ng kwentong nakakatakot sa punong iyon
Kwento nga din ni mama every morning daw noon. May nawawalisan siyang malalaking upos ng sigarilyo sa ibaba ng puno.
Ilang beses na ding may nagtakang putulin ang punong iyon kaso natatakot sila. Si kuya kasi nung sinubukan niyang lasunin yung puno nag kasakit siya.
Alam mo din ba ang mahiwaga sa punong yun? Sa taas ng puno sa gitna niya may lupa.
Sabi ni mama noong mga 90's palang siguro may nakuha daw silang bronze na plansta sa punong yun. Tapos lagi daw may nawawalisan si mama na malalaking pako doon. Mahahaba raw.
Actually mga ilang metro mula sa punong iyon nung bata daw yung isa kuya ko may nahukay siyang bayoneta at saka helmet ng hapon noon doon. Nagsunog daw kasi sila malapit doon kaya alam niyo naman kapag bata. Mahilig maglaro.
Sa ngayun. Sabi ni mama di na daw niya alam kung asan yung napulot ni kuyang ganun kasi di niya naman daw alam noon ang kahalagaan non.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila