Nangyari uli Ito sa dati naming apartment. Nag tagal kami doon, Hindi nalang namin pinapansin yung mga bagay na Hindi nakikita ng iba.
Siguro na sanay na din kami.
Kwento nga ng kuya ko, minsan ng naiwan siyang magisa sa Bahay May narinig daw siyang dalawang matandang naguusap sa kwarto Kung Saan nakita ko din yung blacklady. Baka sila yung mag asawang nakatira dati doon.
Minsan din kapag madaling araw may maririnig kang. Nagiigib sa poso. Pero pagsisilipin namin sa bintana wala namang tao. Baka nagpapapansin lang minsan ay nasasabi nalang namin.Pero may mga nakikita ako noon na nagsilbing misteryo sa akin
Hindi ko alam Kung paniniwalaan nyo Pero nakita mismo ng dalawang mata ko
Hindi ko din alam Kung bakit ko siya nakikita
At Kung bakit ganon ang nakikita ko
Isang umaga, nanonood ako nun sa sala nagwawalis naman si ate Linda yung kasama namin sa Bahay,
May nakita akong paaPutol na mga paa
Maputla
Parang naubusan ng dugo
Naglalakad sa harap ko
Tinatanung ko noon si ate Linda Kung nakita Nya Pero Hindi Niya ko pinapansin
Impossible ding namamalikmata ako kasi sinundan ko pa siya ng tingin.
Isang araw din naglalaro ako sa kusina kasama ko naman yung pusa ko.
Pusa Lang kasi kalaro ko nung bata ako.Naglalaro kami nun ni Muning
TaposMay nakita ako
Putol na katawan nakalutang
Nakatalikod siya
Palabas ng pinto sa kusina namin
Nakaputi siya
Nakakakilabot kasi katawan Lang talaga
Hindi ko nalang sinabi sakanila noon kasi baka sabihin Lang Nila saking namamalikmata ako
Akala ko hanggang dun Lang yun
Pero may sumunod Pa
Sa hagdan naman ng Bahay namin
Naglalakad papasok sa pinakadulong kwarto Kung saan nakita ko din Yung blacklady
Putol na ulo!
Lumulutang siya
Natakot ako nun kasi bakit putol putol na katawan ng Tao Yung nakita ko
Kinuwento ko kila mama nun kaso Sabi Nila wag nalang akong umimikTakot na takot Ako nun
Ang tanging naiwang tanung nalang sa isip ko
Bakit?Bakit putol ang katawan Niya?
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila