Dont trust Anyone

39 5 0
                                    

Matagal tagal na din nung huling nag sulat ako dito. And still thank you kasi may mga nagbabasa pa din ng kwento ko.
Itong susunod kong kwento ee hindi siya ghost story pero still nakakatakot pa din para sakin.

Highschool ako nun on going pa lang ang construction ng bahay namin at yung kwarto ko palang ang may pinto. Bunso kasi ako at babae pa kaya talagang pinauna ni mama na tapusin yung kwarto ko.

Gabi yun nanunuod kami ng pinsan kong lalaki sa tv. Dun na kasi siya tumitira sa bahay bali mas matanda lang siguro siya ng isang taon sa akin. Bali Tulog na ang lahat at kami nalang dalawa ang gising. Hanggang sa nagpaalam siya sakin na mauuna na raw siyang matulog which is weird kasi lagi akong nauuna matulog saknya pero hinayaan ko nalang.

After a couple of mins naisip ko na matulog na din. So pinatay ko na din yung tv at pumunta na sa kwarto ko. Medyo nagtaka pako kasi bakit patay lahat ng ilaw ee hindi naman namin pinapatay yung ilaw kasi open pa yung bahay namin at di pa tapos. Tinignan ko yung hinihigaan ng pinsan ko pero wala siya dun naisip ko nalang na baka lumabas kaya di ko pinansin at pumasok na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko sinisigurado ko na lock lagi ang pinto. Then katulad ng daily routine ko magsasalamin muna ako . Magmomodel sa salamin bago matulog.

Siyangapala ako yung tipo ng tao na laging may kulambo pagnatutulog o kaya sa paa.

Pagkahiga ko inopen ko yumg phone ko saka nagpatugtog. Pampatulog.

Tagal ko pang nakahilata nun habang nakatitig sa kisame hanggang sa nakarinig ako ng ingay sa ilalim ng kama ko. Parang scratches na ewan . So naisip ko bumangon para silipin sana yung ilalim pero nung halfway na yung ulo ko dun tumigil ako. Baka pusa lang sa isip ko kaya nahiga ako ulit saka natulog.

Hanggang sa kalagitnaan na ng tulog ko nakaramdam ako ng haplos sa bandang tiyan ko . Pero di ko pinansin kasi antok na antok talaga ako. Pero pinagtaka ko patay na yung music ko

Pagmulat ng mata ko. Nakita ko yung muka ng pinsan ko inches away sa muka ko.

Bali andun siya sa uluhan ko nakadungaw sakin.

Dahil sa takot at gulat tinanung ko siya bakit anung ginagawa niya sa kwarto ko. At dahil alert mama ko narinig niya ko kaagad kaya tumakbo siya kaagad sa kwarto ko

Tapos yung pinsan ko Tumayo  kaagad nun saka nagmadali lumabas

Nagkasalubong sila ni mama sa pinto

Then sabi daw ng pinsan ko naiwan ko raw bukas yung pinto ko tapos sinasabi niya na nakainum daw siya ganito ganyan pero hindi naniwala sila mama kasi di nman siya amoy alak

After nung gabing yun hanggang ngayun di ko nakita yung pinsan ko. Umuwi siya kaagad sa kanila siguro sa hiya din at takot di na siya bumalik amin.

Simula nun. Lagi ko talaga chinecheck lahat ng pwedeng taguan ng tao bago ako matulog. Sobrang paranoid ko. Pero mas mabuti ng nagiingat.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon