Kwento naman ito ng lolo ko, tatay ng mama ko.
Hindi ko alam pero medyo funny para sa akin ito.Binata palang daw siya noon.
Di pa siguro uso sa kanila ang cr nun kaya sa ilog sila dumudumi. Or baka trip lang talaga ng lolo ko.o di kayay Pwede ding doon siya naabutan ng pagsakit ng tiyan.
Kwento niya, bilog daw ang buwan.
Pumunta siya tulay para dumumi.
Napangiti pa nga raw siya ng may makita siyang kasabay niya.
Nakatuwad din daw kasi ito.
Ang ipinagtataka niya lang hindi daw ito sumsagot sa tuwing kinakausap niya
Kaya ipinag sawalang bahala na lang niya
Mga ilang minuto daw ang lumipas ng bigla raw ito humarap sa knya
Kinilabutan daw talaga siya ng sobra ng makita niya yung mga mata nito
Nagbabaga daw ito sa sobrang pula.
Dahan dahan daw siyang umatras habang nakatuwad pa din
Di na daw kasi niya alam ang gagawin
Ng medyo makalayu. Doon lang daw siya kumaripas ng takbo.
Hindi na naikwento sakin ni mama kung naitaas din ba ni lolo yung shorts niya nung tumakbo siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/144741472-288-k430353.jpg)
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila