Ang kwentong ito ay ibinahagi sa akin ni mama at ni ate. Nangyari daw ito ng minsang mag check in sila sa isang hotel.
Mga 3 to 4 years old palang po ang anak ng ate ko nung mga panahong ito.
Pupunta kasi ng boracay noon si mama at ang pamilya ni ate bago umuwi sa ibang bansa. Bali nasa manila palang sila noon at nag check in muna sa isang medyo kilalang hotel. Na itago nalang natin ang pangalan.
Nag uusap daw si mama noon at ate samantalang ang pamangkin ko naman na itago nalang din natin ang pangalan sa tawag na Richie ay nag lalaro daw mag isa. May roon daw kasing malaking kabinet doon sa kwarto nila. Bali yung kinuha po nilang room is yung malaki para sakanila.
Si Richie kasi mahilig mag drawing. Pumapasok daw siya sa loob ng kabinet . Nag dadala ng kumot. Papel at crayola. Doon daw siya nag lalarong mag isa.
Nag aayus daw ng pinamiling pagkain si mama ng mapansin niyang lumabas si Richie sa kabinet habang nakasimangot at halatang iritable ang muka.
Nangunot daw ang noo ni mama kaya naisipan niyang tanungin si Richie kung anung nangyari dito
"Bakit? Anung nangyari?" Saad ni mama
Tumingin naman daw saknya ang pamangkin ko saka bumuntong hininga muna bago nag salita
"Ang kulit kulit kasi ng bata! Kanina niya pa ako kinakalabit. Ayoko makipag laro sakanya!" Halos lumaki ang mata ni mama ng marinig iyon. Pati din ang kapatid ko ay natakot sa narinig. Muka naman daw nag sasabi ng totoo ang pamangkin ko dahil ayaw talaga nito ng naiistorbo kapag nag dodrawing siya
"A-anung itsura?" Medyo alanganing tanung ni ate
"Muka siyang skeleton" tipid na saad ni richie saka umalis na sa harap nila at lumipat nalang ng pwesto
Nagkatinginan naman daw si mama at ate. Pareho silang nababakas ang takot sa mga mata.
Nag stay pa raw sila ng ilang araw sa hotel na iyon.
Paulit ulit daw nag rereklamo ang pamangkin ko dahil makulit daw yung bata at gustong makipag laro saknya
Minsan pa raw habang nakahiga si Richie ay nag rereklamo daw ito dahil hinihila daw ng bata ang kumot niya
Hindi naman daw nakapag react si mama at ate dahil nakita rin daw nila na may kung anung humihila sa kumot ni Richie kahit wala namang tao
Kwento pa ni mama. Nung madaling araw daw na tulog na ang lahat at siya nalang ang gising may nakita daw siyang batang babae na lumabas ng kabinet. Kulot daw ang mahabang buhok nito at nakasuot ng puting bestida. Napaka ganda daw nito. Kahit natatakot at di daw mapigilan ni.mama ang puriin ang kagandahan ng bata. Nakakapang hinayang nga lang at maaga itong.nabawian ng buhay.
Nung araw daw na nagcheck out sila. Di nila napigilang tanungin ang mga staffs kung may nangyari bang trahedya sa kwarto nila. Mababakas daw ang gulat at pagkatuliro ng mga staffs. Ang tanging naisagot nalamang daw nila ay ayaw daw nilang mag salita.
Hindi nalang din naman nag tanung sila mama dahil alam nilang merong naganap na hindi maganda sa kwarto na tinuluyan nila. Yung mga tiles kasi ng lababo ay taga taga. Yung tipong halatang may malaking bagay na tinaga doon.
Actually ayaw talaga sana ng mga staff na doon patuluyin sila mama kaso wala na daw kasing bakante at iyon nalang. Yung nauna kasi nilang kwarto ay inayawan nila kaya nagpalipat sila. At ang pinaglipatan saknila ay yung kwartong may nagpapakitang bata.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HororInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila
