Naniniwala ba kayu sa aswang? Kwento ito ng mama ko sakin noong bata pa daw siya sa Mindanao. Hindi ko alam kung maniniwala kayu pero sabi niya saakin nangyari daw talaga saknya ito.
Way back 1960's
Gabi daw noon.
Maliwanag at bilog na bilog ang buwan.
Uso pa kasi dati sa mga kabataan ang paglalaro ng tagu taguan.
Magkakalayo ang mga bahay
Tapos ang cr ay nasa labas lang
Naglalaro daw sila ng mga kalaro niya saka mga kapatid niya
Yung ate niya raw ata ang taya
Nagtago daw si mama sa likod ng cr sa likod din ng bahay nila
Medyo masukal pa daw noon don saka walang masyadong bahay
Madilim din
Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw
Tahimik lang daw siyang nagtatago noon doon ng makarinig siya ng malakas na huni ng ibon
"Kwak! Kwak! Kwak!"
Hindi niya daw ito pinansin
Hanggang sa habang tumatagal pahina raw ng pahina ang tunog na iyon
"Kwak! Kwak! Kwak!
Umabot na rin sa puntong parang bumubulong na lang daw ito
"Kwak! Kwak! Kwak!"
Hanggang sa bigla nalang daw sumulpot ang ate niya at tinawag na siya
Laking gulat pa daw nila ng may biglang lumipad daw sa likod ni mama. Parang malaking ibon daw kasi ang lakas ng pagaspas ng pakpak niya.
At that time naniniwala sila na aswang iyon at gustong kunin si mama. Buti nalang at dunating ang ate niya. Simula nun hindi na din daw sila nag lalaro ng tagutaguan kapag maliwanag ang buwan.

BINABASA MO ANG
True Horror Stories
TerrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila