Yung next story ko po ay kwento ng hipag ng bestfriend ko si Geli. Nashare lang Niya sakin kasi nabasa niya tung story Ko.
Hi Geli love you best friend 😂😘
------------
Takip silim nadaw noon
Nag aagaw ang liwanag at dilim
Sinasabayan padaw ito ng malakas na buhos ng ulan.May Duyan kasi sa harap Ng bahay nila
Sa silong ng malaking puno ng MangaMadalas lagi doon tumatambay papa ni geli
Namamahinga daw si ate Jessa sa kwarto Nya hipag ni geli
Kasama yung anak niya
Hanggang sa sumama ang kulo ng tiyan niyaPaglabas daw niya ng kwarto at pupunta na sana ng banyo ng makita Niya si mang Ipe papa ni geli
Nakahiga daw ito sa duyan
Nag alala siya kasi baka mahulog marahil ay nakainum na naman ito kaya hindi nya napapansin buhos ng ulan
"Mak! Tulungan moko, buhatin natin si papa baka mahulog sa duyan!" Tawag ni ate jessa sa asawa niya
Papalapit na daw sila noon sa duyan
Tanaw pa nila
Ang natutulog na si mang Ipe
"Naku si papa talaga lasing na naman, nababasa nasiya" sambit ulit ni ate jessa
Medyo nagmadali nadin sila nag lakad kasi papalakas nayung ulan
Kaso
Laking gulat nila ng makalapit sila sa duyan
Yung duyan kasi
Walang tao
Wala ni isang anino ni mang Ipe ang nakahiga dito
Impossible ding umalis ito dahil doon lang nakatutok ang atensyon nila
Mas nagimbal pasila nung malaman nilang nasa palengke pala si mang Ipe at hindi nakauwe dahil sa biglaang buhos ng ulan
Sa ngayon tinanggal naraw nila yung duyan
Marahil ay may kaluluwang namahinga din sa duyan na iyon
Baka nga Ganon
Kapag hindi natin ginagamit ang isang bagay may mga hindi tayo nakikitang nakikigamit din non
Marahil inaalala din nila yung mga gawain nila nung nabubuhay pasila.
Kayo? May duyan din ba?
Tignan nyo baka may nakaduyan ding Iba.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila