"Goodnight Jayzzam"
"Goodnight Joy" nakangiti kong tugon sa kanya.
Napatingin ako sa orasanMag aalas dose na din pala ng gabi. Napasarap ang kwentuhan namin ni Joy.
Maya maya pay dinalaw na din ako ng antok
Isang malamig na ihip ng hangin ang biglang gumising sakin
Napabalikwas ako
Napatingin ako sa orasan at napagtantong alas tres na pala ng madaling araw
Inikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking kwarto
Napakadilim
Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw
Nakabukas pala ang bintana kaya ako nilamig
Magpapasko na din kasi kaya lumalamig na dagdag pa ang maraming puno sa paligid namin
Handa na akong mahiga muli pagkatapos kong magkumot ng bigla akong may narinig
"Twinkle twinkle little star"
Parang may batang kumakanta
Napaka lamig ng boses nito
Kinilabutan ako
"How I wonder what you are"
Bigla akong pinag pawisan ng malapot
Saan naman kaya mangagaling ang boses na iyon
At sinong bata ang lalabas ng ganitong orasAt doon na nga nanlambot ang tuhod ko ng mapansing may batang babae ang nakaupo at nakatalikod sa may bukas na bintana ko
Tabi lang kasi ng kama ko ito
Kaya ganun na nga ang matinding takot ko
"Twinkle twinkle little star"
Pag papatuloy niya
At nanlaki na nga ang aking mga mata ng unti unti itong lumingon sa akin
Napaka putla nya
At napakaitim ng kanyang mga mataNapatayo ako sa kama
Nakangiti siya na animoy natutuwa sa aking naging reaksiyon
Takot na takot man
Ay nanginginig at dali dali kong sinara ang bintana
Habol ang hininga ko noon
Ng isasara ko na ang pang huling bintana
Ay tuluyan na nga akong napasigaw
Para akong tatakasan ng uliratDahil Naramdaman ko ang maliit at malalamig niyang kamay na humawak sa akin..
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila