This story is not mine. Kwento lang sakin ng friend ko nung minsang natulog siya sa bahay nila. Lumang bahay siya nung nabili ng mama niya. Bali nirenovate nalang nila.
--------------------
Naglalaro ako ng Dota noon. Highschool days. Uso pa kasi dota dati. Nakasanayan ko ng pag puyatan yun.
Mag aalas dose na ng madaling araw
Mag isa ko nalang sa second floor ng bahay.
Tulog na lahat sila
Tanging ingay nalang ng pagtipa ko sa keyboard ang naririnig
Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng narinig ko ang paglangitngit ng pinto sa cr namin sa taas
Natigilan ako
Madilim
Napaka dilim sa sulok na yun
Nakapatay na kasi lahat ng ilaw
Tanging ilaw nalang sa computer ang nakikita ko
Lalapitan ko na sana yun
Pero nagdalawang isip ako
"Baka guni guni ko lang" pag papakalma ko sa sarili ko tapos nag laro ulit ako
Dumaan ang ilang oras ng hindi ko namamalayan alas dos na palang ng madaling araw
Hanggang sa bigla akong nakarinig ng umiiyak sa banyo
Nagtaka ako
Dahil wala ng gising
Wala din akong napansing lumabas sa mga kwarto para mag banyo
Umiiyak siya
Parang bata
Nananaghoy
Umaabot sa loob ng buto ko ang takot sa oras na yun
Pakiramdam ko ay anu mang oras ay lalapit siya sakin
Tumakbo ako agad sa kwarto ko at sinara ko yun
Hindi ko na din napatay yung computer sa pag mamadali ko
Pabaling baling ako sa kwarto
Di ako mapakali sa pag papakalma ng sarili ko.
Hanggang sa di ko namalayan nahiga na pala ako at nakatulog.
"Pssst"
"Psst"
Napaka init
"Psst"
"Psst"
Parang akong nasusunog sa sobrang init
"Psst"
Napabalikwas ako
Pawis na pawis
"Alas tres na pala" isang oras na din pala akong nakatulog
Bumangon ako at binuksan ang bintana
Pumasok ang liwanag ng buwan sa madilim kong kwarto
Malamig
Napaka lamig sa labas
Animoy parang may yelo ang hangin
Nahiga ako ulit upang ipag patuloy sana ang pag tulog
"Psst"
"Psst"
Nagmulat ako ng mata
"Psst"
"Psst"
Naninigas ako na hindi ko maintindihan
Dahan dahan akong bumangon para silipin yung ilalim ng kama ko
"Psst"
Pag silip ko
Katahimikan
Dilim lang at wala ng iba akong nakita
Nahimasmasan ako
Pagtayo ko
Para akong binuhusan ng napaka lamig na tubig
Sa bintana
May nakatayo
Itim na lalaki
Napaka pula ng kanyang mga mata
Animoy nagbabaga
Nanindig ang balahibo ko
Nakatitig siya sakin
Para niya kong lalamunin ng buhay sa sobrang sama ng titig niya
Tumakbo ako sa kwarto ng mama ko para mag sumbong
Pero pag balik namin. Wala na siya
Wala na yung lalaking nakatayo sa labas ng bintana ko
Bintana ng kwarto ko.
Sa 2nd floor ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila
