Ligaw

775 25 0
                                    

Nangyari naman Ito nung college ako,first year
Kasama ko noon si Geli Kung naaalala niyo siya sa mga naunang kwento ko

Nagboboarding kasi kami noon sa tabi mismo ng simbahan ng mga muslim
Mosque ba ang tawag dun, basta yun

May crush kasi siya nun kay Marce

Pero Dahil desperada ang ate nyo

"Joy text mo nga si Marce "pangungulit sakin ni Geli

"Ayoko nga , Baka umasa pa sakin yun no"

"Sige na, tanung mo Kung nakauwi na siya" pangungulit padin Niya sa akin

"Oo na OO na!" Iritableng sagot ko

"Nagreply na?"

"Hindi pa daw"

"Sabihin mo hatid natin siya" Hindi AKo makapaniwala sa narinig ko baliw na ata ang kaibigan ko

"Ayoko" nakairap nasabi kosaknya

"Sige na , diba may gusto sayo yun. Sabihin Mona hatid natin siya, para makasama ko din siya" pangungumbinsi Niya pa din sakin

"Basta ayoko.period. walang bawian. touched move."


In the end ito na nga naglalakad na kaming tatlo

Naptingin ako sa kaibigan ko ang lapad ng ngiti. Ang saya saya Niya grabe .
Napatingin din AKo Kay Marce, nakangiti din ang loko
Aba happy silang dalawa.

Madilim na noon, si Marce kasi student assistant sa school Kaya late siya umuuwe

"Ang layo pala ng Bahay nyo no "basag ko sa katahimikan at sa ngiti ng dalawa

"Medyo malapit na din, Jan nalang sa kanto kapag para dinakayo pumasok sa looban, gabi nadin kasi" sagot naman ni Marce , tumingin AKo Kay Geli nun akala ko Kung aangal pa siya ee

"Dito nalang" sabi samin ni Marce

" Sige uwe na kami , ingat" nakangiting sabi ni Geli

"Salamat"

At umalis na nga kami

"Baliw ka talagang babae ka" pabulong nasabi ko Kay Geli " ang layo ng uuwian natin walapamanding dumadaan ditong tricy "

"May shortcut JAn malapit sa boarding natin "

"Saan?"tanung ko Sabay turo Niya sa bukirin

Madilim

Bukid siya na may maliit na daanan sa gitna

"Jan tayo dadaan? Nakakatakot naman"

" shortcut yan, halika na" hinila nako ni Geli nun at Sabay na nga kaming naglakad sa gitna ng malawak na bukid, tanging ilaw Lang ng cellphone namin ang gamit namin noon

Hanggang sa Nakakakita na nga AKo ng liwanag 

Shortcut nga ambilis namin nakauwe
Nakakapagtaka lang kasi bakit parang walang mga tao
Kahit isa wala talaga

May mga Ilaw ang Bahay ang mga tindahan bukas naman kaso walang katao tao sa paligid
Nakakapanibago
Ang tahitahimik

Tanging ihip Lang ng hangin ang naririnig namin ni Geli sa paligid
Tahimik Lang kaming dalawa
Unti unti kaming nababalutan ng takot
naghawakan kaming dalawa
alam mo yun para kaming naglalakad sa gitna ng isang abandonadong lugar

Impossible kasi talagang walang Tao maski isA doon ee malapet doon simbahan ng mga muslim at isa pa Puro boarding house yung lugar na yun
Dati kasi lagi kang May makikitang mga Muslim sa harap ng mosque tapos may mga Batang maiingay na naglalaro o di naman mga Tambay sa tindahan ganun Kaya nakakapagtaka talaga

Tahimik Lang kaming naglalakad

Pinapakiramdam namin ang paligid

Tibok lang ng puso namin ang tanging maririnig

Hanggang sa

Biglang umingay

Napatigil pa kami ni Geli

Pagtingin namin sa likod may mga Tao
andami
Naglalakad, bumibili sa tindahan nag uusap
Sa kaliwa mga muslim na nagkukwentuhan
Sa kanan mga batang naglalaro

Gulat na gulat talaga kami
Hanggang sa narealized namin nasa harap na pala kami ng simbahan ng mga muslim
Biglang nagkaroon ng mga tao
Impossibleng ganun kabilis yun pag apak Lang namin sa harap ng simbahan may Tao na agad

Nakakatakot nakakapagtaka

Para kaming

Naligaw

Naligaw sa ibang dimension
Totoo pala yun
Pwede pala yun
Kung yung iba kailangan baliktarin yung damit
Kami pasalamat nalang Dahil nagkataong may mosque doon
Dahil Kung nangyare
Hindi namin,alam ni Geli Kung makakabalik paba kami.

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon