The Shadow

67 5 0
                                    

Nakita ko lang din ito sa old notes ko. Way back highschool naman siya.

——

Isang gabi habang nanonood ako may nakita akong parang aninong dumaan sa may bandang pintuan namin, nung una binaliwala ko pero nung sinilip ko at wala naman tao dun na ako natakot.

Meron pa mga bandang alas tres ng madaling araw, kapag naiinitan kasi ako naliligo talaga ako kahit madaling araw. May cr kasi yung kwarto ko kaya di ako natatakot. 

Nag peprepare ako non ng isusuot ko nung napansin kong may aninong pumasok sa banyo. Bali at that time kurtina palang kasi siya nun wala pang pinto. Inisip ko nalang na baka guniguni kolang kaya di ko na pinansin.

After a while habang naliligo ako may nakita na naman akong dumaan malapit sa may pinto. And for the second time baka guni guni ko lang.

Hanggang sa matapos na kong maligo

Habang nagpapalit ako dun na ako natakot kasi may nakita na naman akong lumabas ng banyo.

Yung thought na kasama ko siya sa loob ng cr habang naliligo yun talaga and nagpakilabot sa akin.



True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon