Nasa kwarto na ako noon
Alas siyete na ng gabi
Kadarating kolang galing school
Umuwi kasi ako sa amin Kaya ginabi na ako
Pakiramdam ko talaga pagod na pagod ako
Kaya nahiga na agad ako sakama kahit hindi pako kumakain at nagpapalit
Bahala na sabado naman bukas wala akong pasok
Hindi kona talaga kaya bibigay na ang mga Mata ko
Antok na antok na talaga ako
Hanggang sa nakatulog na nga ako
---------
Baggggghhh !!!
Baggggghhhhhhhh !!!!
Baggggghhh! !!
Anu bayan ang ingay.
Pikit matang saad ko sa sarili ko
Anung oras naba bat ang Ingay ni mama
Gigibain naba niya yang pinto ko.
Ang lakas kasi ng katok nya sa kwarto ko
At Alam Kong hindi ordinaryong katok Yun parang pinipilit niyang buksan ko Yung pinto ang ingay nya
Tahimik lang ako nakapikit ayoko bumangon bahala siya
Naririnig ko sila ng hipag kong naguusap
"Ma bakit yan sisirain mo naba pinto ni joy" nagtatakang tanung ng hipag ko
" ee pano nakita kosiya, nakaupo tapos nung tinawag ko biglang nahiga. Nagtutulog tulugan pa ata" galit na kwento ni mama Kay ate
May butas kasi yung pinto ko noon binahayan ng anay kaya naging marupok at kalaunan naging butas kaya masisilip moko sa loob hindi pakasi namin noon napapaayus
"Anu ba! Bumangon kana Jan! Tanghali na!"sigaw na naman ni mama Akala mo kinakatay na baka salakas ng boses
Hindi ko talaga sana siya papansinin kaso ang ingay din niya hindi nako makakatulog kaya pinagpasyahan konalang na bumangon
Pumupungay pungay pako non kasi nga kagigising kolang
Binuksan koyung pinto
Pero si mama biglang tumahimik
Namumutla siya
Para siyang nakakita ng multo
Nagtaka ako
"Bakit ba ma?" Nagaalangan may Tinanong kosiya
" Diba nakaitim Ka?" Alanganing sagot niya
Napatingin naman ako sa suot Kong damit
Naka t-shirt ako yung departmental shirt namin
Oo nga Pala nakatulugan kona to kagabi hindi pako nakakapagpalit
Pero hindi ako nakaitim
Kasi
Naka Blue ako.
"Nakita kita kanina nakaupo ka sa Gilid ng kama mo. Tapos nung tinawag kita bigla Kang nahiga" dugtong pa ni mama
Natigilan ako
Nanikip ang dibdib
Pakiramdam koy nagtayuan lahat ng balahibo at buhok sa batok ko
"Panu sana ee kababangon ko lang " di makapaniwalang sabi ko.
Mayroong nakaitim na nakaupo sa gilid ng kama ko
Impossible dahil wala akong kasama at tulog pa ko ng mga oras na yun
Nanghihilakbot ako
Alam ko siya yun
Andito na naman siya
Ang nakakabahala pay hindi nalang pagbabantay ang ginagawa niya
Tumatabi na din siya
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorInspired by true events. Naranasan monadin ba? Mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mga Mata. Sa maniwala ka o hindi andiyan lang sila Nanunuod Nagmamatiyag Naiingit Sa buhay Na wala sila
