----x
Bukas pa siya uuwi sa Balamban at doon muna siya mananatili sa Berntsen's Residence na tahimik na ngayon. Tahanan niya tuwing bakasyon at gusto niyang mapag-iwanan imbes na sumunod sa probinsya sa Mindanao at sa mga pagkakataong gusto niyang magpalamig muna ng ulo. Naupo siya sa mahabang sofa at niyakap ang isang unan na nakapuwesto roon. Nakahilera sa built-in shelves ang mga librong pagmamay-ari ng kanyang Tita na nanatili na lang doon sa kagustuhan na rin ni Kuya Jerome, ang pinsan niya.
Ang daming alaalang nakapaloob sa bahay at kung afford niya ang hotel sa sa isang lingo ay tiyak na magche-check in siya ngunit hindi niya ginawa. Himbis na maglibot sa village ay nasa loob lang siya ng bahay. Baka kasi may makasalubong siya at hindi pa siya handa roon kung sakali. She didn't know how to handle it especially when her emotions took over.
Mahina siyang napabuntong-hiniga at nilapitan ang built-in shelves sa pader. Nakaangat iyon at madali lang maabot. Naglandas ang mga daliri niya sa spine ng mga libro doon. Halos pareho lag sila ng book choices ng Tita Emerald niya at napangiti na lang siya nang maalalang isa sa mga dahilan niya kung bakit bumibisita siya roon ay dahil may instant library si Tita Emerald.
May nahagip ang mga mata niya. Maliit na libro at nakasingit lang sa pagitan ng dalawang makakapal na libro. Kinuha muna niya ang isang makapal na libro bago kunin ang maliit na libro saka binalik sa estante ang makapal.
"Bakit nandito ito? Hindi ko nasauli?" pagtataka niya na bakas ang sorpresa sa mukha.
Bumalik siyang muli sa sofa at pinakli ang mga pahina ng libro. Natutop niya ang bibig niya nang makitang may nakaipit roon. Isang tinuping papel na manilaw-nilaw na sa luma.
Art of War by Sun Tzu.
Acting with integrity is a rich resource for warriors. Trust is a distinguished reward for warriors. Those who despise violence are warriors fit to work for kings.
Napatitig na lamang siya sa may-ari ng sulat-kamay na iyon.
---x
Alas dose pasado na at hindi na siya nakaabot sa oras ng afternoon session. May biglaang aberya sa bahay nila kanina kaya matagal siyang nakapunta sa eskuwelahan. Nang maalala ang naiwan niyang alalahanin sa bahay ay hindi niya maiwasang mapasimangot.
Oras na ng klase at wala nang estudyanteng nagpakalat-kalat sa labas ng classrooms. Mukhang bukod-tangi lang siyang nakatambay sa karinderya ni Aling Toni. Isang maliit na karinderya sa loob ng campus at nasa gilid lang ng TLE Girls. Ito ang unang beses na hindi siya pumasok sa klase niya at buti na lamang ay wala siyang nakuhang reklamo kay Aling Toni na tahimik lang na nagluluto. Halata ba talaga sa mukha niya ang distress? Ayaw din naman niyang manatili nang matagal sa bahay dahil mas lalo siyang mag-iisip sanhi na lalo pang sasakit ang kanyang ulo.
Kinuha na lang niya ang librong binili niya sa isang mumurahing bookstore mula sa bag niya. Dumako ang mga mata niya sa guhit ng kanyang braso. Namumula iyon at mahapdi. Mula sa kaguluhan kanina.
"Mako?" Napapitlag siya nang may tumawag sa pangalan niya. Kilala niya ang boses. Nang lingunin niya ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang makompirmang si Noah ito. Gaya niya ay mukhang hindi rin pumasok sa afternoon session nila sa RSD. Nagulat rin ito nang makita siya doon.
"Sagara?" maang niya.
"Nag-cut ka?"
"Ikaw rin?"
"Teka, kararating ko lang dito." Bumakas ang kalituhan sa mga mata nito at naupo sa katabing stool. Pinuwesto nito ang bag katabi sa bag niya at iyon ang naghihiwalay sa kanilang dalawa sa naka-extend na kahoy na nagmistulang mesa na nilang kumakain doon.
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
General FictionDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...