----x
Nakatambay si Noah sa plant circle, sa bahaging hindi natatamaan ng sikat ng araw nang mamataan niya si Lirio. Naalala niyang nabadtrip si Shawn rito dahil nagsinungaling lang naman si Lirio na nasa grandstand silang dalawa.
Shawn went to the blue grandstand and encountered Jenny, the girl who transferred in their school during their second year highschool, according to his message on Noah's pager. Ang pager niya ay ang pager na ibinigay ng kapit-bahay nilang nag-request sa kanya na tulungan ang anak nito sa studies.
"Galit sa akin si Shawn," untag ni Lirio sa kanya na tila hindi apektado sa mala-dragon kung magalit na si Shawn. Naibaba ni Noah ang binabasa niyang notes sa English.
"Ikaw at ang mga schemes mo. Noong nakaraang araw, ibinigay mo ang numero ni Clyde kay Garnet. Nalaman ko na lang na nagkagulo sina Clyde at Garnet sa canteen." Sukat sa sinabi ni Noah ay napahalakhak si Lirio dahilan kung bakit napatingin sa kanila ang dumadaang mga estudyante. It was almost past four in the afternoon and instead of going home. Nandoon sila upang tapusin ang group work nila sa Filipino.
"Wala lang. Trip ko lang na pagtambalin sila. A singer and a musician. Ice, di ba? Magkakasundo naman 'yon kalaunan. Mabuti nasa center building sila, wala rito sa boardwalk. Baka makalbo ako ng mga iyon."
"Dadating at dadating ang araw na kakarmahin ka ng pinaggagawa mo," pananakot pa niya rito. Nag-subside tuloy ang ngisi nito.
"Hoy, di naman ako ganoon kasama. Kita mo ang ginawa ko kay Shawn? Paraan ko lang 'yon para dumiskarte siya kay Jenny," palusot pa nito na kailanma'y di bebenta kay Noah. Andami nitong napapansin at lagi na lang itong nakadikit sa dalawang tsismoso na si Marc at Klint. Masakit sa tainga ang kaingayan ng tatlong makukulit na lalaki.
"Sira-ulo, walang planong dumiskarte si Shawn kay Jenny. Kita mong nagpapatayan na ang dalawa at oras na ginawa mo na naman 'yang kalokohan mo. Baka ibitin ka ng patiwarik ng Treasurer natin." Ayaw niyang pangunahan si Shawn sa mga plano nito at halatang walang kinalaman si Jenny sa mga plano nito. Gusto lang talaga itulak ni Lirio ang dalawa. Natutuwa yatang makitang nag-aaway ang dalawa. Or simply because, Jenny is the only girl in their batch, or maybe in the school who can handle, argue and spite Shawn.
SSG Treasurer si Shawn ngayong third year highschool sila.
"Maldita at masungit. Tamang-tama! Kompleto rekados!" Pumalakpak pa si Lirio. Mukhang natuluyan na. Ang mga babae tuloy sa paligid ay nawerduhan rito.
Sabi pa ni Daisy, nakakaturn-off ang pagiging pogi nito kung ganoon naman ito kaweirdo.
"Busy ka ba sa Pasko, Noah?" random na tanong ni Lirio.
"Wala," diskompyadong sagot niya rito. Then, he saw that playful glint in his eyes.
"Yayayain sana kitang magbakasyon sa holidays sa amin. Di ba uuwi ang mag-anak mo sa probinsiya, sa Asturias?" Naalala niyang sinabi niya ang tungkol roon kahapon pa kay Lirio. "Sasama ka sa kanila?"
"Hindi." Ang totoo, wala siyang balak isama ng madrasta niya at nagpumilit naman ang tatay niya na isama siya maging ang mga kapatid niya. Ngunit matigas ang kanyang madrasta. Ayaw siyang isama dahil hindi na raw sapat ang pamasahe. Isa pa, wala raw magbabantay ng bahay. Ayaw rin niyang sumama kung hindi bukal sa loob sa mga itong sumama siya. After all, sa Dumanjug naman talaga ang probinsiya ng tatay niya. Hindi sa Asturias. Probinsiya lang iyon ng pamilya ng ina-inahan niya.
"So, you're left alone in your house. Sa Pasko. Paskong-pasko, mag-isa ka."
"Ako ang magbabantay ng bahay, San Miguel," balewalang sambit niya. Wala namang kaso sa kanya. Puwede naman siyang rumaket ulit habang binabantayan ang bahay. Sarado din ang Hardware store sa holidays.
"Nah, your family's house doesn't have legs and arms. It couldn't walk. Nandiyan pa rin naman ang bahay ninyo. Tell me, may maiiwan bang mga mamahaling bagay?"
Ano ang ipinupunto nito? "Ano bang meron, San Miguel?"
"Basta, sumama ka na lang sa 'kin sa Pasko. I'll tell my father about that."
Napabuntong-hininga siya nang mabanggit nito ang ama nitong nakiusap sa kanyang tulungan ang anak nito sa pag-aaral. Kung alam lang ng ama nito na matigas talaga ang bungo nitong si Lirio.
"Hindi ko pa alam. Kakasapit lang ng December, Lirio," paalala niya rito. Masyado itong excited at kilala na niya ito. Simula nang makatikim siya sa mga paandar nito ay naiilagan niya ang mga gimik nito.
"Ayaw mo? Paano kung may sabihin ako sa 'yo na makakapagpabago sa desisyon mo?"
"Kung anuman man 'yan, 'wag mo na lang sabihin. Magbabantay ako sa bahay sa Pasko. Raraket ng kaunti. Pandagdag ng ipon ko. Wala akong oras para patulan ang mga kalokohan mo, San Miguel," walang gatol niyang tugon. Seryuso ang ekspresyon sa mukha.
Naputol ang pag-uusap nila lapitan sila ni Kara Jecille.
"Nandito ka lang pala, Noah. Ano, tuloy na tayo?"
In the end, hindi iyon nangyari. Because Lirio stubbornly pushed through his plan by doing another scheme again.
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
Fiksi UmumDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...