PKL: Labing-Apat

3 0 0
                                    

---x

Daisy knows she's unstable now and she felt suffocating in her room. She quit college a year ago and still at lost now. She has been medicating for months yet it took her days to get better. Ngayon, inabutan na siya ng umaga, hindi natutulog at kung saan-saan naglalakbay ang isip niya. Hindi pa nagigising ang mga tao sa bahay nang umalis si Daisy at tanging dala lamang ay ang kanyang pitaka.

Wala siyang eksaktong destinasyon. Gusto lang niyang lumakbay kung saan. Sumakay siya ng jeep at bumaba sa isang lugar kung saan napapaligiran ito ng mga puno't halaman. Sa bahaging elevated na lugar ng siyudad kung saan napapalibutan rin ng bundok.

Noong mga unang araw ng medication niya ay parang mababaliw siya sa mga boses na naririnig niya. She's aware that it weren't real but it affected her somehow. Her self-esteem and her sanity. She's even more anxious when she walk through that part of the hospital, hearing voices from nowhere. She had a mental fatigue and a depression that needs to be cured. It was due to pressure she felt in college.

Part of her, hindi niya kinaya ang pagbabago. She was culture shock and didn't even have friends to talk to cause she was all alone in that university despite the fact that her former classmates in highschool were there.

She's going downhill and she didn't know what to do until she cried for everything that screwed up. Mental visions came and it haunted her every night that left her sleep-deprived.

Nang magsawa siyang pagmasdan ang siyudad mula sa itaas ay sumakay na siya ng jeep pabalik at napadpad siya sa isang Cafè. Pumuwesto siya sa outdoor table doon. Hinayaan lang siya ng mga crew sa Cafè.

Nakatitig lang siya sa baba kung saan umaandar ang mga sasakyan. Nakapaligid sa Cafe ang mga gusali, hotel, office buildings at di-kalayuan ay ang Ayala mall.

Napansin siya ng mga crew doon at nagulat na lamang siya nang lapitan siya ng isang lalaking crew na may bitbit na isang malamig na kape.

"It's on the house. Kanina pa kita napapansin. Huwag kang mag-alala, hahayaan ka lang namin dito. Mukha kasing malalim ang iniisip mo." anito. Napatango siya rito at tipid na ngumiti.

"Salamat." Tumango ito at bumalik na sa loob ng Cafè. Napatitig na lang si Daisy sa papalayong likod nito. Nalipat ang mga mata niya sa kape.

It was at that moment when she think of doing something to divert her restlessness and loneliness. She wants to work. A diversion.

---x

Daisy

Hindi makita ni Daisy kung nasaan si Lirio kaya napabuntong-hininga na lamang siya't pumunta sa canteen kung saan alam niyang nandoon si Shinoah.

"Nakita mo ba si Lirio?" tanong niya rito kaya umangat ang ulo nito sa kanya. Binabasa nito ang isa sa mga reviewer nila. Nalalapit na kasi ang second periodical test nila at panay aral na ang ibang kaklase nila. Mahaba ang vacant time nila ng mga oras na iyon dahil hinayaan lang sila ng mga guro nilang mag-review.

Umiling si Noah. "Hindi. Baka kasama niya si Eden Sofia." sagot nito na nagkibit-balikat lang. Napanguso na lamang si Daisy at umupo sa katapat nitong upuan.

"Akala ko ba, kokopyahin pa niya 'yung notes ko." Pinagkrus ni Daisy ang mga kamay niya. Naniningkit pa ang mga mata niya, konti na lang masasapak na niya si Lirio. Ang notebook kasing iyon ay mga notes niya kung saan doon niya nilalagay ang importanteng details ng lessons sa lahat ng subject nila.

"Maya, baka bumalik iyon rito." bigay-paalam nito. Napabaling tuloy si Daisy rito.

"Ang lalaking talagang 'yon, di natatakot na bumagsak ang grades. Minsan, iniisip ko kung paano kayo nagkasundo." Doon napagtanto ni Daisy na siya ang unang lumapit rito. Nahiya tuloy siya sa approach niya rito at tungkol pa sa pagiging tamad ni Lirio.

Parang Kailan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon