----x
"Yo, dude! Long time no see! Pahalik nga, bebe ko!" nakakalokong bati sa kanya ni Marc nang bigla na lang itong pumasok sa opisina ng restaurant niya. Typical tee shirt at denim pants ang suot nito apart from him who's wearing his chef uniform without his hat. Kasalukuyan siyang nag-aasikaso ng mga bagong recipes na idadagdag niya sa menu.
"Sira-ulo," he grinned and greeted him with a light punch on his stomach instead of hugging him back. Natawa ito sa ginawa niya't ibinagsak ang sarili sa sofa na nasa gilid lang ng mahogany table niya. May ideya si Klint kung bakit nandoon si Marc.
"Spill the beans. Nabulabog ako sa ako sa Oslob dahil sa 'yo. Nabitin ang butanding escapade ko. Siguraduhin mong interesante 'yan."
"Alam ko kung bakit nandoon ka sa Oslob," he wickedly smile.
"Wow, ang lakas mo talaga makasagap." Pabirong pumalakpak pa ito. "Ano bang meron? Pabulong naman."
Ang totoo, dalawa ang impormasyon ang may hawak siya. Ang isa, common knowledge na sa kanilang magkakaibigan noon. Ang natira ay hindi puwedeng malaman nang kahit na sino. Madulas man ang mga dila nila, nagmana sa lider nilang si Lirio na bagong buhay na raw ay may parte pa rin na mananatiling lihim muna. Oo, muna. Di pa naman sila natatamaan ng kidlat sa pinaggagawa nila. Kung nangyari nga, baka noon pang highschool.
He discussed to Marc what he did.
"Buang ka, pinaniwala mo 'yung tao. Mababaliw 'yon kakaisip hanggang batch reunion. Magaling, magaling. Isa kang tunay na disipulo ni San Miguel." Naalala niya na pinagkakatuwaan nilang tatlo noon na disipulo sila ni San Miguel. Laging magkasangga sa kalokohan. Niyemas kasi, nagpauto sila sa Nintendo na mayroon ito noon na wala sila. Afford lang ng mayayaman ang gadget na 'yon. Well, in 90s era.
"Bahala siyang mabuang kakaisip."
"Baka isang araw mahanapan ka ng butas ni attorney at baka sa korte pa kayo muling magkita." Inisip na niya iyon ngunit kahit na attorney na ito ngayon, ito pa rin ang tahimik at seryusong si Noah na mahilig maglihim. Masyado lang talaga silang observant at tsismoso kaya may ideya sila, not to mention, si Lirio mismo ang nambubuking. Speaking of that guy . . .
"May ibubulong sa 'tin si San Miguel. Bakantehin mo ang schedule mo sa Linggo. Sa basketbolan kung saan tayo madalas noon."
"What? Ikokompromiso ko ang gagawin ko sa Linggo para lang sa bulong ni San Miguel? No thanks," tanggi nito.
"It was more like a plan. You know that guy and of course, tayo lang. Noah will be late for thirty minutes." Nandilat ang mga mata nito at mas lumawak ang ngisi niya.
"So it was all about the great attorney Noah. Again."
"Yes, and you will come. Kung hindi, sasabihin ko sa pamilya mo kung bakit umaaligid ka sa Oslob."
Naglaho tuloy ang pilyong ngiti sa mga labi nito.
"Hoy, buang. Fine. I'll clear my schedule then."
The Lirio they knew before and now was still the same, yet different in some manners. He was more cruel now. Kulang na lang rumolyo ang dila nilang dalawa ni Marc nang ikuwento nito ang tungkol sa 'escapades' nito sa loob ng kompanya ng pamilya nito. Hanggang ngayon, iyon pa rin ang kalakalan ni Lirio. Nakita na rin niya si Noah sa loob ng korte. And damn, that guy was cruel too in his own way and of course, to bring out justice. Nahuhuli nga ang mga suspect sa sarili nitong dila sa mga pasikot-sikot na mga tanong ni Noah. Hindi rin magpapahuli ang mayor ng isang bayan sa South na si Shawn, former SSG President nila. Highschool pa lang, madami na itong nasisindak. Kapag magkasama ang tatlo, parang may biglang may maitim na emission ang kumakalat sa paligid. Exaggerated na imagination ng mga empleyado ni Lirio.
Buti pa sila ni Marc. Siya, chef at may-ari ng isang simpleng restaurant. Si Marc naman ay isang real estate agent. Mas mabuti nang magpaka-low profile.
Klint texted Lirio about Marc. Sana lang, hindi sila makasuhan ng abogadong 'yon kahit invasion of privacy pa.
* * *
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
General FictionDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...