Interlude 6

4 0 0
                                    

---x

They were both sitting on the gutter, eating their dirty ice cream they bought from the passing ice cream cart. Tapos na ang exams nilang mga seniors at nag-aasikaso na lang sa final requirements at magiging graduation exercises for two weeks. So Daisy and Berry planned to meet halfway in their neighborhood. Nagkita silang dalawa sa paanan ng skywalk na malapit lang sa barangay hall at isang eskuwelahan.

"Ang tahimik dito sa inyo, walang masyadong dumadaan na mga sasakyan." Peace Valley, malapit lang sa Beverly Hills, kung saan nakatira si Berry.

"Oo naman, payapa rito."

"Malapit lang ang Taoist temple," puna niya at tiningnan ang daan na maaaring direksiyon papunta ng templo.

"Yep, sometimes, kung wala akong masyadong ginagawa ay doon ako tumatambay. Maganda ang tanawin sa baba." Tahimik siyang sumang-ayon rito at kinain ang ice cream niya. Kapwa lang din sila naka-pambahay, komportable sa isa't isa.

Daisy's aura was way different when she's not in school. Tahimik nga ito, minsan lang ngumiti at di masyadong magalaw. Mahahalata pa rin ang pagiging reserve nito. Even Raspberry, pansin ni Daisy. She looked unrestrained when she's with her unlike in school. There's always her stoic and calm expression apart from her soft expression now.

"Sa tingin mo ba, facade ang pinapakita natin sa school?" panimula ni Daisy. Ilang segundo ang lumipas bago ito sumagot, sa harap pa rin nakatingin.

"I don't think so. It's still ours. That's our walls. Iyon ang una kong napansin sa 'yo, masayahin ka mang tingnan, napapansin ko pa rin na may walls ka pa rin na hindi basta-basta natitibag." Bahagyang umawang ang mga mata ni Daisy sa pahayag nito.

"Talaga? Bakit ikaw, napagtanto mo na? Iyong iba, hindi?"

"That's because they didn't observe for too long," Berry answered and ate her cone.

"May walls ka rin naman. Walls na makapal at di rin kayang matibag. Mabuti na rin na ganoon kung wala ka namang balak na i-open up ang sarili mo kahit kanino. Nasa iyo pa rin naman ang desisyon."

"Exactly. I prefer people who have their own walls than those who have not. Dahil naiintindihan ko sila. Maiintindihan nila ang boundaries na meron ako." Saktong tapos na rin si Daisy sa kanyang ice cream nang tumayo ito't pinagpagan ang shorts nito. "You know what, mas gusto kita kapag ganito ka."

Lumabi siya. "Ayaw mo ng masayahing Daisy?"

"Minsan ka lang kaya magseryuso sa school. Kapag walang tao, saka lang nawawala ang mga ngiti mo sa kanila."

"Dami mong napapansin, friend. Komportable ako sa 'yo e. Ikaw naman ah. Dito, hindi ka mukhang masungit."

"Sinabi mo na kanina, unrestrained ako dito. I don't have to maintain my guards up. Ikaw lang naman kasama ko at kilala mo na ako. Multi-faceted mang maituturing ng iba, nagpakatotoo lang ako." Berry offered her hand to her and she accepted it. Nang makatayo at mag-inat ay pinagpagan niya ang suot niyang skorts.

It was still three in the afternoon so they decided to go to Taoist temple to savor the scenery below and to relax for a bit. Their unrestrained self would be hidden again in the walls of the school. Especially Daisy. She's regaining her energy, her social battery with Berry.

* * *

Parang Kailan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon