PKL: Labing-Lima

3 0 0
                                    

----x

Hindi sumali ng christmas party si Daisy ngayong third year highschool dahil nagkasakit siya ng araw na iyon at hinanap naman siya ng mga kaklase niya ngunit hindi niya sinasagot ang mga mensahe sa pager niya. Tumulong lang siya sa barbecue-han ng pamilya niya na malapit lang sa isang private hospital. Hindi naman siya nanghinayang na hindi siya nakadalo dahil natutuwa siyang makinig sa mga usapan ng customers nila.

Nang malapit na sumapit ang Pasko ay sa bahay ng Tita Emerald siya naunang nanatili. Sa bisperas na kasi hahabol ang mga magulang niya at doon na magdiriwang ng Pasko. Gusto kasi niya roon dahil maraming libro ang Tita niya, napapagitnaan ng bundok at burol, may ilog sa likod-bahay at hindi magkakalapit ang mga bahay.

Lagi siyang nakatambay sa mini-bar, nakaupo sa high stool habang nagbabasa. Pag nagsawa naman siya ay sa front porch o sa harap ng fireplace habang pinagmamasdan ang mga puno sa paligid.

Inutusan siya ng Tita Emerald niya na bumili ng isang pack ng napkin, para sa kanilang dalawa dahil sabay pala silang dinatnan. Makulimlim ang langit at mukhang nagbabadyang umulan. Nakasuot lang siya ng pambahay at nakatali ang buhok na bun malayo sa ayos ng buhok niya sa eskuwelahan na ponytail.

Nakasuot din siya ng eyeglasses na owl-like ang hugis, reading eyeglasses dahil tila sumasayaw na ang mga letra sa tuwing magbabasa siya. Mga ilang bahay muna ang madadaanan bago makarating sa malaking tindahan. Pagkatapos niyang bumili ng isang pack ng napkin ay biglang umulan.

Paunti-unti lamang iyon nang sumuong siya't sumilong sa nadadaanang bahay ngunit bahagya pa rin siyang nababasa.

"Mako!" Akala niya, nagkamali lang siya ng rinig pero nang lumingon siya sa  gawi patungo sa basketball court ay nakita niyang tumatakbo papunta sa kanya si Noah. Nababasa na ito ng ulan.

Nanlamig siya't naestatwa na sa kinatatayuan niya. Nagising lamang siya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan at wala siyang nagawa kungdi sumilong sa lilim ng isang puno.

Basang-basa na ito pero hindi nito alintana iyon. Nang tuluyan na itong nakalapit ay tumigil ito, nakisilong din sa puno at napayuko, habol ang hininga. Nang makabawi ay bahagyang nakangiti na ito at patuloy lang sa pagtulo ang tubig galing sa basang buhok nito patungo sa buong katawan nito.

Napakurap-kurap tuloy ang mga mata ni Daisy. Parang hindi siya makapaniwalang nagkasalubong sila roon.

"Akala ko, namamalik-mata lang ako. Ikaw pala 'yan, Mako." sabi nito. Nakasuot ito puting sando at cargo shorts na fatigue.

"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi niya naitago ang sorpresa sa boses niya. Nang malipat ang mga mata niya sa hawak niya pack ng napkin ay kaagad niya iyong itinago sa likod niya Nakakahiya. Tinanggal niya ang pagkakasuot ng eyeglasses niyang nababasa na at ginawang headband.

"Taga-rito si Lirio. Niyaya niya akong tumira muna sa kanila. Hindi mo ba alam?" Unti-unti na ring nakunot ang noo nito sa sinabi nito. Paanong sasabihin ni Lirio sa kanya e hindi na sila nagsasabay umuwi o nag-uusap ng madalas.

Muntik na niyang nang makalimutan na malapit lang sa lugar na iyon si Lirio. Tumira na naman ba ito sa Tita nito?  Umatras siya para makasilong ito sa puno. Unti-unti na ring humina ang ulan. Naglikot ang mga mata ko at umiwas ng tingin nang pigain mo ang sando mo.

"Dito ka nakatira?" Kinabahan siya at may bahagi sa isip niya na ayaw niyang malaman nito kung saan siya nakatia ngayong christmas season.

"Hindi. Bakasyon lang din. Nasa bahay ako ng tita ko." simpleng sagot niya, nakatungo ang ulo at hindi makatingin rito.

Kailan ba matatapos 'tong ulan at nang makauwi na siya? Nanlaki ang mga mata niya nang lumakas ang ulan. Wala na ring silbi ang pagsilong nila dahil natitilamsikan na sila ng patak ng ulan. Maputik rin sa bahaging iyon dahil hindi pa sementado ang daan. May dumadaan ring habal-habal kaya may posibilidad na masabuyan sila ng tubig na may putik.

Parang Kailan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon