PKL: Anim

2 0 0
                                    

----x

"And the winner of the essay writing contest is Raspberry Luzano of Second Year Section two!"

Halos mabingi sa sigawan ng mga kaklase niya si Raspberry pagtuntong niya sa stage at tanggapin ang certificate niya. May parte sa kanya na masaya siya dahil nanalo siya at pagkailang nang bumalandra sa kanyang harapan ang mga tao. Hindi niya alintana ang tinginan ng mga kapwa niya estudyante na sumali sa essay writing contest na iyon. Nagdududa yata sa kakayahan niya at kung bakit nanalo siya dahil isa lamang siyang hamak na second year highschool student. But she knew better, her essay piece would speak for it.

"Hi! Congrats nga pala!" Hindi sana papansinin ni Berry ang babaeng may yellow clip sa buhok nito dahil tinatantiya pa niya kung siya ang binati dito.

Shoulder-length ang haba ng buhok nito na kapag tinamaan ng sikat ng araw ay nagmumukhang brown. Ang mga mata nito ay tila laging nakangiti.

'Well, she has a contagious smile,' bulong ni Raspberry sa sarili.

"Thank you," she replied with a polite smile. Ito ang nanalo bilang second runner-up kung kaya't katabi niya ito ngayong may hawak na certificate.

"Nabasa ko ang piece mo. Grabe, ang ganda. Gamay na gamay mo ang English language tapos on-point pa kahit pa iilang sentences. Mahaba pa sa 'kin kesa sa 'yo pero pakiramdam ko, pinaikot-ikot ko lang." Marahan itong natawa. Dumadaldal lang ito habang kinukunan sila ng litrato. "Sa 'yo, hindi. Siksik."

"Salamat," pag-uulit niya pero nakangiti na ng tunay. Madalang lang siyang maka-appreciate ng papuri sa ibang tao lalo na't nararamdaman niya kaagad kung sincere ba iyon o hindi ngunit sa kaso ng babaeng 'to. She looked so sincere with her smile.

Naghiwalay lamang sila sa stage nang ianunsiyo na ang nanalo sa Poster-making contest. Akala ni Raspberry ay makakalusot na siya sa mga tao roon ngunit nilapitan lang siya ng babaeng may yellow clip sa buhok. Nakangiti pa rin ito.

"Ako nga pala si Daisy Mako. Ka-batch lang tayo. Sa Section one nga pala ako," anito. Naalala na niya ito. Ito ang babaeng nakikita niya sa library at laging nakapuwesto sa table na malapit sa fiction section kung saan madalas din siyang tumambay. Nakahiligan na niyang magbasa ng mga libro at pagsusulat. Sa katunayan, ayaw niyang sumali sa essay writing contest ngunit pinilit siya ng adviser nila nang mapansin nito ang kakayahan niyang magsulat.

"Raspberry Luzano from Section two," sabi niya out of courtesy. May tumawag sa pangalan nito na ikinalingon ng huli sa dalawang babae na panay ang ngisi dito. Mukhang masaya ito sa pagkapanalo ng kaibigan ng mga ito.

"Uy, tawag na nila ako. Congrats ulit!" huling sambit nito sa kanya at nagkukumahog na umalis sa gilid ng stage upang salubungin ang mga kaibigan nito habang siya'y pumasok na sa center building at dumiretso na sa hagdan saka umakyat roon.

Raspberry has only herself. Wala siyang maituturing na kaibigan talaga dahil turing lang niya sa mga ito ay mga kaklase lang. Iba ang definition niya sa salitang iyon at isa pa, madali siyang makaramdam kung kaibigan ba ang isang tao o hindi o sadyang ayaw lang niya maulit ang masalimuot na pangyayari noong nasa elementary pa siya.

Iwinaglit na lang niya iyon sa kanyang isipan at pumasok na sa pangalawang classroom sa ikalawang palapag saka hinanap ang bag niya. Hahapit pa siya sa faculty upang ipaalam sa adviser niya na nanalo siya.

Kinabukasan, half-day dahil sa pa rin ginaganap na program. Himbis na manood sa quadrangle ay iba ang ginawa niya. Sa library na naman siya tumambay at nanghiram ng libro.

"Uy, hi!" Bahagya pa siyang napapitlag nang batiin siya ni Daisy na ngayo'y katabi na pala niya sa namimili ng libro sa fiction section. Mahilig din itong magbasa. "Reader ka rin pala."

Parang Kailan LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon