---x
Salubong ang mga kilay ni Noah nang madatnan niya ang mga kaibigan niyang nandoon sa basketball court. Pawang nakasuot ito ng jersey shirt. Nakatatak ang apelyido ng mga ito. Out of place ang suot niyang white long-sleeves at pantalon.
Iginala niya ang mga mata niya at naningkit nang makitang nandoon si Klint, Marc, Henry at Clyde. Wala si Shawn na malamang natali na naman sa obligasyon nito bilang mayor.
These bastards. Ano na naman ang niluluto ng mga ito? Lalo na nang kawayan siya ni Lirio nang makita siya nito.
"Ang tagal mo naman. Pinaghintay mo talaga. Tara, laro tayo," yaya nito sa kanya at ipinasa sa kanya ang bola ng basketball. Nasalo niya ito.
Klint sheepishly smiled that made his eyes squinted. "Attorney Noah! When was the last time we've meet? Nakatulog ka ba nang maayos pagkatapos?" pang-aasar nito.
"Mahimbing nga ang tulog ko. Sa sobrang himbing, may bangkay lang naman akong itinapon sa ilog," sarkastiko niyang pahayag na ikinatawa lamang ni Klint. Hanggang ngayon, hindi pa rin ito natatablan pagdating sa asaran.
Natawa na rin ang ilan nilang mga kasama roon.
"Nagsawa na ako sa showbiz kaya pagala-gala na lang ako ngayon. Niyaya ako ng mga kulukoy na ito kaya pumayag na lang ako. Isa pa, di na kita nakikita, attorney. How's work?" tanong ni Henry. Naging artista ito at kailan lang ay nalie-low na sa showbiz. Wala silang ideya kung bakit nag-quit na ito. Parte ito ng Theater Club at patok ito sa batch nila kapag ito ang bida sa mga play. Artistahin na talaga ito noon pa man.
Marami siyang kailangang asikasuhin sa Law Firm. Two cases that were too personal for him and other issues. "Still hectic and controversial. You know how the justice system works here but I have to move and gather information from testimonies, not just baseless evidence. Uncovering hidden truths was hard especially when it has been twisted and tweaked. Even the smallest details are crucial."
There was a comical expression on his friends' faces but mostly, they were digesting what he's saying.
"Dumugo ang utak ko doon ah. Biglang pumalya," biro ni Henry.
"Masyado ka ring gala noon kaya wala ka talagang maiintindihan," pang-aasar ni Clyde rito.
"Wow, look who's talking," ganti ni Henry. Si Clyde ang madalas kasama ni Lirio sa pambubulahaw ng mga tao sa boses ng mga ito. Bitbit ang mga gitara nito ay, bigla-bigla na lang itong nagkakantahan sa loob ng eskuwelahan.
"We are six. Three on three," Lirio pointed out. Ipinasa ni Noah ang bola rito. Ni hindi na nito pinuna ang suot niya. Mabuti na lang nakasuot siya ng sneakers.
"I know that you have something up your sleeves." Noah crossed his arms.
"Ayaw na namin mangyari ang nangyari noon kaya mas maiging alam mo ang takbo ng plano namin," Marc said and stood up from the cement bench he's sitting.
Sinasabi na nga ba. He looked at Lirio who seems to be the mastermind of this. Lumapit lang ito kay Marc at inakbayan ang huli.
"I am not going to approve your plan no matter how reasonable it is. And of course, it will never be. Most of your schemes are ridiculous. I am going now. I still have to look for some details that I overlooked." Hindi siya pinayagang umalis ng mga ito dahil hinarangan na siya nina Henry at Klint.
"Relax ka lang, attorney. Hanggang dito ba naman? Trabaho pa rin aatupagin mo? Aba, minsan lang tayong magtipon-tipon," reklamo ni Klint.
"Alam mo bang common na sa mga eksena sa movies ang misunderstandings kapag hindi pinariringgan ng isang character ang isa pang character ng teleserye?" Nangunot lang lalo ang noo niya sa sinabi ni Henry.
"We are not yet stating our plan. Tama si Henry. You're used on listening to defendants and even suspects, analyzing them. Getting information and answers from them. Anong silbi ng kakayahan mong iyon kung hindi ka naman makikinig sa amin?" nakataas ang kilay na sambit ni Lirio, pressing something.
Kulang na lang pagbuhulin niya ang mga ito. Pinagkakaisahan na naman siya.
"Fine." A hard expression was visible on his face. "Spill. But I can't guarantee you will go with your plan. Especially when it's overboard like what you did before."
* * *
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
General FictionDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...