This part is not a chapter.
Interlude - a part that is being inserted in a play, in a musical composition or just simply, in a story.
Year ago, may blog ako for PKL. Mga events na may koneksiyon sa main chapters ngunit kaunti lang. Parang glimpses lang ang interlude. Scenes na bagama't di ganoon kakonektado ay isa sa mga susi para maintindihan pa lalo ang mga nobela. Yep, kasali na rin ang Scarlet's Letters. Isang taon ko na silang ayaw tantanan haha. PKL and SL started during May 2020. Pangatlong version ko na rin ito. May nadagdag. May nabawasan. Gayunpaman, ipinagpatuloy ko pa rin.
Singit lang talaga ang Interlude. Not a big deal. It's up to you kung babasahin mo :)
----x
Sa mga libro sa kasalukuyan nating panahon ay uso ang mga heartthrobs, yung mala-F4 ang datingan ng mga boys. May mga babaeng kikiligin at titili sa tuwing magkakasama ang mga guwapong nilalang na ito. Madali silang mapansin sapagkat malakas ang dating nila. Kumbaga, puwede nang lagyan ng sparks sa paligid na makikita sa mga dramas.
But if we go back years ago, especially in reality. Walang tilian na nangyayari. May kanya-kanyang mundo ang mga estudyante. Walang sparks at walang naglalaway sa kaguwapuhan ng kung sino.
The students inside the campus were minding their own, killing time on the plant circles, hanging out in the corridors, practicing something for a group presentation and acads making when three boys entered from the exit gate. Morning session ang klase ni Shawm pero nagawa nitong mag-excuse sa klase nito. Kinuyog sila ni Shawn sa may Sambag. Mabuti kasundo nila ang guard ng eskuwelahan.
Shinoah Sagara, the silent one of the group. Niluma na ang sapatos nito, manilaw-nilaw na ang suot na polo na pinaglumaan na rin. Kalmado ang mukha nito at blangko ang mga mata. He has a pair of almond eyes, eyes he inherited from his father. Ang kaibahan lang ng mga mata niya sa tatay niya ay expressive ang mga mata ng huli samantalang siya'y hindi. Nakasukbit sa likod niya ang bag niya na pilit na ibinigay ni Lirio sa kanya.
Magkasingtangkad lang sila ni Shawn na katabi lang niyang naglalakad patungo sa center building. Tanging ito lang hindi nila kaklase ngayong fourth year highschool.
Umayos ang ilang mga estudyante nang makita ang SSG President na si Shawn. Sinamaan lang ni Shawn ng tingin ang dalawang lalaking nakabukas ang butones ng mga polo na inayos naman ng dalawa.
"Ang istrikto mo talaga." puna ni Lirio, napapailing pero nangingiti lang. Nag thumbs-up lang ang huli sa dalawang lalaking sinita ni Shawn sa pamamagitan ng mga mata.
"Colored sando pa ang inner." naniningkit ang mga matang sambit ni Shawn.
"Baka walang oras para maglaba ng puting sando nila kung meron man." katwiran naman ni Lirio.
Lirio San Miguel, the playful boy in the group. The least one who cares about his academics, different from Shinoah who's serious about his academics. Plantsado ang puting polo at bago ang sapatos noong pasukan. May wristwatch sa kaliwang kamay. Singkit ang mga mata at may dimple sa kaliwang pisngi. Sunny ang aura at madali lang lapitan ng kung sino-sino. The friendly guy. And the one who has a girlfriend.
Speaking of, naispatan ni Shinoah ang girlfriend nitong bumaba na sa hagdan, ilang metro ang layo sa kanila.
"Girlfriend mo." sabi niya kay Lirio na lumingon sa tinitingnan niya.
"Girlfriend mong ina-under ka. Puntahan mo na." Lihim na natawa sa isip si Noah sa sinabi ni Shawn.
"Wow, kung makataboy ha. Teka lang, sa canteen kayo pagkatapos nito, di ba? Puntahan ko na lang kayo mamaya. Bye!" At nagtatakbo na itong nilapitan si Eden Sofia na napansin kaagad ito.
"Sa canteen tayo, mamaya?"
"Hindi, sa office muna. Di ako makakapag-concentrate kapag nagreklamo na naman 'yan tungkol sa girlfriend niya. Halika na." Hindi na lang umimik si Noah at nagtungo kagaya nito sa registrar.
Shawn Guillermo, the snob of the group. Mukha mang bad boy ang mukha ni Shinoah ay mabait naman talaga ang huli. Si Shawn ay suplado at bossy, ayon na rin sa mga co-officers nito sa SSG. Kaya nga ba, epektibo ang recyling boxes sa paligid ng campus maging and cleanliness sa buong campus. Isa sa mga panukala nito. Ipinaparating lang sa kanila ni Lirio ang hinaing ng ibang estudyante saka lang makakarating kay Shawn. Justified rin ang pagiging suplado ng mukha ni Shawn.
"Hey, you're too noisy. Minimize your noise please. There are some classes." masungit na sita nito nang madaanan nila ang corridor ng second floor doon sa center building. "Bakit pala kayo nandito?"
"Oo na po, Pres. Aalis na po kami." sagot ng isang babae roon na dinampot lang basta-basta ang bag nito. Sumunod na rin dito ang mga kasama nito.
"Wala talagang kawala sa 'yo pati ang mga babae. Tsk tsk." palatak ni Noah. "Ayos na ba ang mga papeles?"
Sukat sa sinabi niya ay nangunot ang noo nito. "It's a waste really to lose a prospective honor but we don't have a choice. They're migrating and all I have to do is this." He slightly raised the documents they've got from the registrar.
Shinoah is not an officer but Shawn trusted him when it comes to his responsibility as an SSG President. As for San Miguel, ang connections nito ang may silbi. That guy is too happy-go lucky, not to mention, his free time sometimes spent on his girlfriend.
Nagkibit-balikat na lang si Noah. "Maraming prospectives, Shawn. Marami tayo dito sa ANS."
"Yeah, right. And the competition is high." segunda nito. Napansin nito ang nangingitim na bahagi ng kanyang braso at huli na para maitago iyon ni Noah. Shawn sighed, shaking his head. "'Wag mong sabihin na naaksidente ka naman sa hardware."
But something about Shawn's tone denoting other meaning and Noah understood it. That's their way of communication.
"Kailangan ko nang mag-resign doon." aniya. "Para maka-focus na ako sa pag-aaral. Malapit na tayong magtapos."
"You better be. Ayokong kami na mismo ni Lirio ang hahatak sa iyo palayo sa pinagtatrabahuan mo." walang gatol na pahayag nito, nangungunot na naman ang noo.
Parang nahating ilog ang mga estudyante nang dumaan sila sa boardwalk. Naging alerto sa pagdaan ng supladong SSG President.
"Mga itik! Akala ko ba sa canteen kayo?" Masyadong malakas ang sigaw na iyon ni Lirio. Naglingunan tuloy ang ibang estudyanteng nakatambay sa boardwalk papuntang RSD. Kapwa sila inakbayan ni Lirio. Take note, mas matangkad silang dalawa kay Lirio.
"Gag— Ang bigat mo!" reklamo ni Shawn. Kulang na lang kasi maglambitin ito sa kanilang dalawa nang paakyat na sila sa hagdan.
Unusual man ang combination nilang tatlo ay nagkakasundo naman sila. Isang suplado at masungit ngunit may concern sa mga tao, di lang gaanong ipinapakita. Structured at goal-oriented. Goal-oriented din naman ang isa sa kanila, tahimik at mukha lang suplado sa mukha ngunit mabait. Isang lalaking nakaplaster na yata ang kasiyahan at kalokohan sa mukha. Isang di pinagpala financially. Dalawang low-profile.
---x
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
General FictionDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...