----x
Wala siyang nadatnang mga tao sa waiting shed. It was because she's late. Nagkasundo ang mga groupmates niyang magtipon-tipon roon ng 8 ng umaga at ngayo'y alas 9 na. Luminga-linga siya sa paligid, nagbabasakaling may nakaligtaan lang ang mga mata niya. Late siya dahil may inaasikaso siya sa bahay nila.
Sinulyapan niya ang pager niyang walang lamang mensahe. Hindi naman nagbago ng tagpuan ang mga ito at hindi siya inimporma? Umuwi na siya kahapon pagkatapos ng klase kaya wala siyang ideya kung may nabago ba sa kasunduan nila ng mga kaklase niya.
She waited there in the shed, staring at the passing vehicles. Minutes passed, there's none who came. Kung maghihintay pa siya, mauuwi ba iyon sa wala? Nasa kanya ang ibang bahagi ng script nila sa El Fili. Siya kasi ang gumawa niyon. Tiyak na malalagot siya ng mga ka-grupo niya.
Umalis siya sa waiting shed at umakyat ng skywalk. Doon siya nanatili upang hagilapin ang mga kaklase niya sa baba. Baka nag-iba nga ang mga ito ng tagpuan. Uso ang Filipino time kaya may posibilidad na natagalan ang mga ito.
Pagtingin niya sa pager niya ay wala pa ring dumating na mensahe. Kung wala siya, paano mabubuo ang pagpapraktis nila?
Bumaba na siya sa skywalk ngunit sa kabilang panig ng kalsada siya tumungo. Magkatapat lang ang Abellana at CNU, madali lang niyang makita sa waiting shed ang kung sino mang darating doon kahit na pinagigitnaan ng mga hilera ng pine trees na nasa rectangle boxes.
Palakad-lakad siya sa harap ng gate ng CNU nang tumunog ang pager niya.
Daisy, stay there. Susunduin ka ni Noah.
Di makakaalis ang grupo mo kung wala ka.
Nasa Metro Gaisano kami pero diyan ka lang.
Si Lirio 'to.
Ang group niya at group nina Lirio ay nagkasundong sa waiting shed sila magtipon-tipon at mukhang doon na sa Metro Gaisano, nagtipon. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Bakit si Noah ang susundo sa kanya? Puwede naman siyang dumiretso na lang sa may Metro.
Nanatili lang siya sa harap ng CNU, paulit-ulit na binasa ang mensahe sa pager. Nakabukas ang zipper ng sling bag niya at nakita niya roon ang mga papel na sinusulatan niya ng script. Naglakad-lakad siya, hindi alintana ang pagdampi ng sinag ng araw sa kanya. Bahagyang mahangin naman kaya nabawasan ang init ng panahon. Nasa dulo na siya, katapat ng police station nang may mapansin siya sa kabilang kalsada. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang makita itong nagtatakbo. His eyes landed on her while running and even waved at her. Naitulos siya sa kinatatayuan nang bigla na lang itong tumawid sa pedestrian.
"Noah! Red light na!" sigaw niya rito, tinutukoy ang stop sign ng hulmang tao. Nasa kalagitnaan na ito ng kalsada at nagulat na lamang siya nang mismo ang mga sasakyan ay natigil sa pag-abante sa biglaang pagtawid nito. Inatake siya ng kaba at nerbyos sa iilang segundo na iyon. Muntikan na talaga itong makuyog ng mga sasakyan roon.
"Baliw ka ba? Paano kung masagasaan ka?" bulalas niya sa nag-alalang tono.
Hingal na hingal na naitukod nito ang kamay sa mga tuhod nito. May mga tumulong pawis sa gilid ng noo niya ngunit balewala lamang kay Noah iyon bagkus may sumilay na ngiti sa mga labi nito. Bagay na ikinapatda ni Daisy sa kinatatayuan niya. Aware ba ito kung gaano kaaliwas ang mukha nito sa pagkakataong iyon? Iyong tipong may nagsi-awitang mga anghel sa paligid nila.
"Nandito ka lang pala. Buti natagpuan kita. Akala ko, umalis ka na." Napamaang siya rito, naitikom niya ang bibig ngunit kalauna'y ginantihan ito ng ngiti.
"Hindi, naghintay ako." Kasunod niyon ang pagliparan ng mga dahon mula sa mga punong nakapaligid sa CNU. Nakatunghay lang ito sa kanya na tila ba may gustong iparating ang mga mata nito at siya nama'y nag-iwas ng tingin. Normal na sa kanya na kinakabahan na ganito sa harap ni Noah. Natakot siya sa mangyayari dito kanina ngunit ngayon, di niya mawari kung takot pa rin ba ang namumukod-tangi.
"Alis na tayo," untag niya sa pananahimik nilang dalawa. Hindi ito umimik at tinabihan lang siya paharap ng pedestrian lane. "Bakit ka pala bigla na lang tumawid?"
"Di ko na naisip ang stoplight nang makita kita. Wala ka sa waiting shed. Naisip ko na baka umuwi ka na." Napamulsa ito sa pantalon nito.
Saglit siyang napayuko at sinarado ang sling bag niya. "Sorry, late ako."
"Nagbago kami ng meeting place. Late ka na namin nasabihan."
"Umuwi ako nang maaga kahapon kaya wala akong ideya sa pagbabago."
"Okay lang. Ang importante, nakita kita." Kapwa silang tumawid ng kalsada, magkaagapay at tahimik lang habang nililipad ng hangin ang buhok nila. Inayos tuloy ni Daisy ang pagkakatali ng buhok niya.
Nang makasakay na sila ng jeep patungo sa Metro Gaisano, dumako ang mga mata niya rito na nakaupo katapat niya. Tila malalim na naman ang iniisip nito sapagkat parang tumatagos ang mga gusali at establishments na dumadaan sa mga mata nito. Napagtanto rin niyang hindi na ito nagtanong kung bakit late siya.
Kung hindi siya pinadalhan ng mensahe ni Lirio, mananatili pa ba siya roon? Malamang. Sa loob-loob niya, maghihintay pa rin siya kahit na malabo ang posibilidad na susunduin siya at babalikan sapagkat ayaw niyang magsisi sa bandang huli na hindi siya naghintay. Na sana naghintay pa siya.
* * *
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
Fiksi UmumDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...