---x
"Simula nang dumating ka rito. Hindi ka na lumabas ng unit natin. Seriously, Mako, after seven years mong ni-reject si Noah?" kantiyaw sa 'kin ni Jin habang sinusuklay ang basa niyang buhok. "Hindi ka magpapakita?"
Hindi umimik si Daisy bagkus ay nakaupo lang siya sa sandalan ng sofa habang pinagmamasdan ang kumikinang na asul na dagat sa bintana. Nalaman ni Lirio kung saang room siya nanatili kaya napilitan siyang tumambay muna sa suite nina Jin at Keisha pero hindi pa rin siya nakaiwas sa tanong ng mga ito. Si Raspberry naman ay lumabas na rin ng suite nila at nagliwaliw sa barangay malapit sa beach resort. Mukhang disoriented rin ito sa pamumulabog ni Lirio sa kanya.
Tatlong araw silang manatili roon. Nakita niya sa itinerary ang mga activities na puwedeng gawin roon sa resort at may separate para sa kanilang reunion batch. Iyon ang first day niya, nila ni Raspberry at papalubog na ang araw tanda na iyon na rin ang first sa two nights na matutulog sila doon sa resort.
Panay ang kain ni Kei ng chicheria nito habang nanonood ng tv.
"Takot lang 'yan. I heard that magkasamang dumating rito si Noah at Kara Jecille. At may bata." Kei trailed off.
Hindi pa rin siya umimik nang magkatinginan ang mga ito, naghihintay sa magiging reaksiyon niya. But then, she's a great pretender when it comes to handling her emotions. She practiced it for years just to not look weak in front of others.
At anak? Tinanggap na niya ang katotohanang posibilidad iyon. After all, hindi na siya ma-contact simula nang magtrabaho siya sa Balamban at sinadya niya mismong lumayo. Isa pa, she made it clear before that he will not wait for her. Na hindi ito aasa sa kanya at ikukulong ang sarili nito sa kanya.
Itinaboy niya ito palayo, kaya kung makikita niya man ito masaya sa iba at may pamilya na. Masaya siya para dito. Oo, hanggang ngayon mahal pa rin niya ito pero hindi aabot sa puntong guguluhin niya ang masaya na nitong buhay gaano man kasakit makita iyon.
"Anak kaya nila 'yun?" si Kei.
"Well, why don't you see it for yourself, Kei?" si Jin.
"Ako lang ba?" Kei smirked.
Umalis siya sa pagkakaupo niya at mataman na tiningnan ang dalawa na patay-malisya na umiwas ng tingin sa kanya. Hindi pa ba titigil ang mga ito?
"Guys, alam n'yo ang nangyari at ang dahilan ko, okay? Wala akong karapatang magmukmok kung sakaling may iba na siya o ano. Pitong taon na since that happened," she said and put her hands on her hips to emphasize her point. Bago pa man siya intrigahin ng mga ito ay tumungo na siya sa banyo. Napilitan siyang ikuwento sa mga ito ang mga nangyari.
She stayed in the toilet bowl for minutes. She hated this. The nostalgic memories came back now that she'd seen them again. She's a bit afraid. Takot siyang tanggapin pag nakompirma na niya.
Pitong taon. Maraming mangyayari sa pitong taon. Napangiti siya nang mapakla nang maalala ang eksenang nasa dyip siya at nasa waiting shed ito. She was thirteen then. Now, she's twenty nine. Si Noah lang ang lalaking naging espesyal sa kanya.
Tinaboy niya ito in the first place kaya kung anuman ang makikita niya ay lulunukin niya. Lulunukin niya ang katotohanan. It was then she discovered that it's okay to be on the sidelines if it's meant that he's genuinely happy.
* * *
Nagising siya na bahagyang madilim pa ang paligid. Natutulog pa si Raspberry sa kama nito, nagtalukbong ng kumot, mukhang walang balak na makipagsabayan mamaya sa event ng batch nila.
Hinawi niya ang kurtina sa bintana at namangha sa tanawin sa labas. She ignored the beauty of the seashore yesterday, caught up in my world again. It was a light blue sky. It's early five in the morning. Mula sa silangan ay may lumilitaw ang orange at yellow na liwanag. Behold, a sunrise!
BINABASA MO ANG
Parang Kailan Lang
Aktuelle LiteraturDo you believe in love at first sight? Do you believe that you're going to fall for that person later on at first sight? That fateful day when the sun was setting down, Daisy's bright eyes met Shinoah's dark eyes. Hanggang kailan mabibitiwan ng pus...